• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wedding nina Jessy Mendiola at Luis Manzano magaganap mid- year of 2021

Siyempre pa ay very proud mama si Kapuso actress Coney Reyes nang i-tagged niya ang anak na si Pasig City Vico Sotto sa kanyang Instagram post to let the whole world know that her son  is one of the People’s Choice Awardee.

 

“Congratulations, son! I’m so proud of you! @vicosotto #People Asia #PeoplesChoice Awardee #ThankYouLord #GloryToGod

 

“Healing the world by serving others.  From battling the pandemic; to bringing opportunities to countless Filipinos in search for greener pastures, these People of the Year awardees continue to spread a contagion of hope,” wrote People Asia on its social media page.

 

Ang mga kasamang awardees ni Mayor Vico ay sina Eric Francia, Dr. Gerardo ‘Gap’ Legaspi, Ana Marie Pamintuan, Cavite Governor Jonvic Ramulla, Chaye Cabal-Revilla, Cesar Romero, Rep. Mikee Romero and Tommanny Tan.

 

Meanwhile, thankful din si Coney na tapos na ang kanilang lock-in taping ng GMA telebabad series nilang “Love of my Life,” with Carla Abellana, Rhian Ramos, and Mikael Daez, at muli na silang mapapanood simula sa huling Lunes ng December, sa December 28.

 

*****

 

Ngayong alam na ng buong mundo ang engagement nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, nasa preparation na sila ng pagpapakasal.  Napili ng dalawa ang mid-year of 2021.  Ang concern lamang daw nila ay ang safety ng kanilang parents. Gusto nilang present ang kani-kanilang parents sa araw ng kanilang kasal, dahil it’s once-in-a-lifetime moment of exchanging “I do’s”

 

Dasal nilang mawala na ang pandemic threat to their health by the time they get married.  Sa ngayon ay wala pang detalye kung kailan talaga ang kasalan, at kung saan magaganap ang ‘wedding of the year.’

 

*****

 

Congratulations to Asia’s Multimedia Star Alden Richards, for making history with the first-ever virtual reality concert in the Philippines sa pamamagitan ng “Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert.”

 

Hindi pinagsawaang panoorin ang concert ni Alden na nagkaroon ng three timeslots, twice last December 8 and once last December 9, with GMA Network’s sold-out show enabled Alden’s supporters mula sa iba’t ibang lugar sa mundo, to celebrate with him as he marked his 10th anniversary in the intertainment industry.

 

Hindi malilimutan ng mga nanood ang heartfelt rendition ni Alden ng “God Gave Me You” at sa pagpi-perform niya ng latest single niyang “Goin’ Crazy” showing kung gaano na siya kahusay as a performer on stage.

 

A day after the concert, ang latest single naman ni Alden na “Goin’ Crazy” ng GMA Musical and FlipMusic Productions, also topped iTunes Philippines and is currently included in Apple Music’s “Absolute OPM Playlist.” (Nora V. Calderon)

Other News
  • Ads September 28, 2021

  • DOTr: “No vax, no ride” sa NCR ipatutupad

    Simula sa susunod na linggo, ang mga pasaherong walang bakuna ay hindi na papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon habang ang Department of Transportation (DOTr) ay magpapatupad ng “no vaccine, no ride” na polisia sa National Capital Region (NCR).       Nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade noong nakarang Martes ang isang Department […]

  • Multa o community service sa mga mahuhuling magtatapon ng basura sa estero, ilog at kanal –MMDA

    PAGMUMULTAHIN o gagawa ng community service ang isang indibidwal na mahuhuling magtatapon ng basura sa estero, ilog at kanal na itinuturong dahilan kung bakit nagbabara ang mga pumping stations sa Kalakhang Maynila.   Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos kung ang MMDA lamang ang masusunod ay ang kanyang mga nabanggit na […]