• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pabata nang pabata ang kanyang nakaka-partner: CARLO, bata pa lang ay hinangaan na ni EISEL at na-starstruck nang makita

SA mediacon na ginanap sa Kamuning Bakery, litaw na litaw pa rin kaguwapuhan ni Carlo Aquino na bida sa “Love You Long Time” na kung saan makatatambal niya ang baguhang young actress na si Eisel Serrano.

 

 

Infairness, parang hindi tumatanda ang 37 years old na award-winning actor at celebrity endorser ng Beautederm, kaya hindi nalalayo ang hitsura niya kay Eisel na 24 years old naman.

 

 

Inamin ni Eisel na noong bata pa siya ang unang pelikula ng kanyang leading man na napanood niya ay ‘Kokey’ na kung saan child star pa lang si Carlo. Kaya reaction ng aktor, sobrang tagal na noon, nakakakita pa raw siya ng alien.

 

 

Pag-amin pa ng young star, bata pa lang siya ay hinahangaan na niya si Carlo at na-starstruck talaga siya nang una niya itong makita.

 

 

“Friendly siya at very sweet. Kaya hindi ko in-expect na magiging matalik na kaibigan. Nakakapag-usap po kami sa chat at natatawagan ko rin, ganun po.”

 

 

Dagdag pa ni Eisel dapat minamahal ang mga nakakapareha sa pelikula pero di kailangang umabot sa relasyon, “minahal ko pa ang pagkatao ni Carlo dahil importante na siya. This is my first film, kaya mas kinilala ko pa siya.”

 

 

Opinyon naman ni Carlo, “mas maganda talaga na magbibigay ka ng pag-ibig kahit kanino. Masarap ang feeling din na pagkita kayo ulit ng nakatrabaho mo, ‘yun ang maalala niya sa ‘yo. Na nagbigay ka ng pagmamahal sa kanya.”

 

 

Nagduda pa raw siya noong mabasa niya ang script dahil baka hindi niya mabigyan ng justice. Kaya pinag-aralan niyang mabuti ang role.

 

 

Say naman ni Carlo na pabata nang pabata ang nagiging ka-partner niya.

 

 

“Siyempre happy, saka kailangan ko nga trabaho, dahil may anak na ako,” natatawang sagot niya.

 

 

“Pero thankful din ako na dahil sa pandemic, dumami ang gumagawa ng pelikula na hindi mo iisiping gagawa sila ng pelikula. Nagkakaroon tuloy ng chance ang mga bago at mga luma na makapagtrabaho.”

 

 

Samantala sa trailer ng movie, nakalagay sa caption na, “In a world full of noise, they found each other’s signal,” na parang tinutukso ang premise ng pelikula.

 

 

Gaya ng inilalarawan sa dalawang minutong trailer, umiikot ang pelikula kina Uly (Aquino) at Ikay (Serrano), na biglaang “nagkrus ang landas” sa pamamagitan ng kanilang mga walkie-talkie, dahil magkapareho sila ng frequency.

 

 

Sa paglipas ng panahon, nagsimula silang mag-usap nang mas madalas hanggang sa wakas ay nagpasya silang magkita.

 

 

Gayunpaman, ang clip ay nag-iiwan sa mga manonood na nagtataka kung ang dalawa ay talagang magkikita at kung paano ang kanilang kuwento ay magsisimula.

 

 

Mula sa direksyon ni JP Habac, ang “Love You Long Time” ay isa sa opisyal na entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na may theme na “Tuloy-Tuloy Ang Saya.”

 

 

Produced by Studio Three Sixty PH, ang pelikula ay mapapanood na sa mga sinehan simula Abril 8 at magtatapos sa April 18.

 

 

Bago magsimula ang film festival, tiyak na aabangan ang Parade of Stars sa April 2, Linggo ng Palaspas, na magsisimula ng ika-4 ng hapon na mag-uumpisa sa may Villa Beatriz, Commonwealth Avenue, Quezon City, at magtatapos sa Quezon Memorial Circle.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Travel time mula port area papuntang Valenzuela, 10 minutes na lang

    TEN minutes na lang ang travel time galing sa Port Area papuntang NLEX-Valenzuela sa Bulacan dahil sa malapit ng matapos na North Luzon Expressway Harbor Link C3-R10 project.   “This will improve the movement of cargo between the Port Area and NLEX by shortening the travel time from the usual one hour to 10 minutes. […]

  • 2 key players ng Heat posibleng hindi makapaglaro sa Game 2

    ISANG malaking hamon ngayon para sa Miami Heat ang pagharap nila sa Game 2 ng NBA Finals laban sa Los Angeles Lakers matapos na dalawang manlalaro nito ang kuwestiyonableng ‘di makakapaglaro.   Nagtamo kasi ng left foot torn plantar fascia injury si Goran Dragic habang left neck strain naman ang natamo ni Bam Adebayo.   […]

  • 4 wildlife traders nalambat ng Maritime Police sa entrapment operations

    APAT na umano’y wildlife traders ang natimbog ng mga tauhan ng Maritime police sa magkakahiwalay na entrapment operations na may kaugnayan sa ‘All Hands Full Ahead’ sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region at Bulacan,     Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station chief PMAJ John Stephanie Gammad, dakong alas-11:56 ng umaga noong March […]