• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bataan-Cavite bridge, paluluwagin ang trapiko sa Kalakhang Maynila-PBBM

KUMPIYANSANG inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang  Bataan-Cavite Interlink Bridge na mapaluwag ang trapiko sa Kalakhang Maynila.

 

 

Si Pangulong Marcos ay dumalo sa  Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Milestone Ceremony na isinagawa sa bayan ng Mariveles sa Bataan.

 

 

Sinabi nito na ang  travel time sa pagitan ng mga lalawigan ng  Bataan at  Cavite ay magiging 45 minuto na lamang mula sa limang oras.

 

 

“With the BCIB, it is projected that that five hours trip will now become as close – as quick as 30 minutes, reducing by as much as 86%, and we are reducing it to maybe 45 minutes of travel,”  ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

 

“That will be an incredible feat when it happens and would significantly help in decongesting Metro Manila as motorists will be able to travel without passing through the metropolis,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Aniya pa, makatutulong din ang  interlink bridge na mabawasan ang presyo ng “goods at services” dahil ang  transport at logistics costs  ay bababa rin, “thereby generating immense savings all around.”

 

 

“And facing the challenges, it was prescient that we continued with this project until we got to this point, and I am sure until it is finished,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“It is prescient because at the time we did not think of supply chain problems that now that we have. And this kind of improved connectivity is the perfect solution to that,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang prediksyon naman ng Pangulo ay mga bagong oportunidad sa Bataan at Cavite at sa mga nakapalibot na lalawigan dahil sa “easier access” na magiging available sa publiko. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco na buksan at simulan ang deliberasyon

    Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco ang House Committee on Constitutional Amendments na buksan at simulan ang deliberasyon sa pag-amyenda sa mga mahihigpit na probisyon sa ekonomiya, na nakasaad sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, sa isang Resolution of Both Houses (RBH) 2 na kanyang inihain.    Ayon kay Velasco, noong inihain niya ang RBH […]

  • Sen. Pimentel, nakahandang pangunahan ang imbestigasyon sa Duterte drug war

    Nakahanda umano si Senate Minority Leader Koko Pimentel na pangunahan ang imbestigasyon ng Senado sa madugong drug war na pinangunahan di dating Pang. Rodrigo Duterte.     Una nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na ang Senate Blue Ribbon Committee ang magsasagawa ng parallel investigation kung saan ang naturang komite ay pangungunahan ni Pimentel. […]

  • Ads October 28, 2021