Teves, ‘pinaka-utak’ sa Degamo slay – DOJ
- Published on April 5, 2023
- by @peoplesbalita
ITINURO na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.na siyang pangunahing ‘utak’ sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo.
Habang ang nadakip na isa pang ‘utak’ na si ex- military reservist Marvin Miranda na kung baga sa pelikula ay siyang nagsilbing ‘direktor’ sa naganap na krimen.
Sa press conference sa Camp Crame, inihalintulad ni Remulla ang papel ni Miranda na ‘casting director/director’ sa pagpaslang kay Degamo, habang si Teves na nasa ibang bansa nang panahong iyon ay itinuro naman niya na siyang ‘executive producer’.
“Kung sa sine, Cong. Teves is the executive producer and producer and he (Miranda) is the director and casting director,” ayon kay Remulla.
Si Miranda umano ang itinuro ng ibang mga suspek na siyang nag-recruit, nangontrata sa kanila at humagilap ng mga armas.
Sa akusasyon ng ‘warrantless arrest’, iginiit ni Remulla na ang pagkakadakip kay Miranda ay resulta ng ‘hot pursuit operation’ dahil sa pinaghahanap ang suspek mula noon pang Marso 4, na siyang araw ng pagpaslang sa mga biktima.
Idinitalye naman ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Jr. ang relasyon ni Miranda at ni Congressman Teves.
Lumilitaw na matagal nang naninilbihan bilang security at bodyguard ni Teves si Miranda.
Sabi ni Abalos, napakahalaga ang naging papel ni Miranda sa pagpaplano gayundin sa mismong pagpatay kay Degamo, lalo at malakas ang ugnayan nito kay Rep. Teves.
Dagdag pa ni Abalos, na sumusunod si Miranda sa tinatawag niyang “boss idol, big boss o kalbo” na siyang sumagot aniya ng material support sa pagpatay kay Degamo.
Sa kasalukuyan ayon kay Abalos, nasa 12 nang mga suspek sa pagpatay kay Degamo ang accounted, at 11 dito ang hawak na ng National Bureau of Investigation habang isa naman ay napatay sa follow-up operations.
Pagbubunyag pa ni Abalos, nakapangalan din kay Rep. Teves ang isa sa mga baril na nakumpiska sa isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa HDJ Compound, na pagmamay-ari naman ng kapatid ng mambabatas na si dating Negros Gov. Pryde Henry Teves.
Kasalukuyang sinusuri pa ng DOJ ang testimonya ni Miranda na kumuha umano ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) at hindi isang pribadong abogado.
Una nang inihayag ni Remulla noong nakaraang Biyernes na nadakip nila sa labas ng Negros Oriental ang isa sa ‘main player’ sa pagpaslang kay Degamo. Dahil sa pagkakadakip na ito, itinuturing niya na ‘99%’ nang solved ang kaso.
Nananatiling nasa ibang bansa ang kongresista dahil sa umano’y panganib sa kaniyang buhay. Una na ring itinanggi ni Teves ang akusasyon laban sa kanya. (Daris Jose)
-
Presyo, supply ng noche buena items, ‘stable’ – DTI
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng noche buena items at mga pangunahing bilihin hanggang ikalawang quarter ng susunod na taon. Pagtitiyak ito ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa harap ng pagkukumahog ngayon ng publiko na humabol mamili ng handa para sa Pasko at Bagong Taon. Sinabi […]
-
Sa bonggang music video ng “Nasa Atin ang Panalo”: SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G at Puregold, nagsanib-puwersa
MATAPOS ang ilang linggo ng pagtaas ng antisipasyon at pagpapatikim sa mga kanilang mga social media, inilabas na ng Puregold ang music video ng bagong kantang “Nasa Atin ang Panalo.” Ipinakita nito noong Mayo 25, karapat-dapat na panoorin ng mga fan ng Pinoy Pop ang music video. Tinodo ang kolaborasyon […]
-
Robredo, wala pang plano na magtrabaho sa gobyerno
WALA pang plano si Vice President Leni Robredo na pumasok sa alinmang tanggapan ng gobyerno. Ayon kay Attorney Ibarra Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, hindi muna tatanggap ng anumang posisyon sa gobyerno si Robredo dahil nakasentro ang atensyon nito ngayon sa maayos na pagtatapos ng kanyang termino. Ang pahayag ng kampo ni […]