Presyo, supply ng noche buena items, ‘stable’ – DTI
- Published on December 29, 2020
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng noche buena items at mga pangunahing bilihin hanggang ikalawang quarter ng susunod na taon.
Pagtitiyak ito ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa harap ng pagkukumahog ngayon ng publiko na humabol mamili ng handa para sa Pasko at Bagong Taon.
Sinabi ni Usec. Castelo, wala ring pagtaas sa presyo ng noche buena products at ang iiral ay ang 2019 na presyo pa rin.
Ayon kay Usec. Castelo, pinapayuhan nila ang publiko na sa mga grocery stores at supermarkets mamili dahil umiiral dito ang suggested retail price (SRP).
Hindi na kasi umano saklaw ng DTI ang presyo sa mga convenient stores at mga sari-sari stores dahil nakailang salin na ang mga produkto rito kaya karaniwan talagang may mataas na silang presyo.
Sa mga negosyante naman umanong nagsasamantala sa presyo ng mga pangunahing bilihin, hinikayat ni Usec. Castelo ang publiko na isumbong agad ito sa kanilang consumer hotline na 1384 para maisyuhan agad nila ng letter of inquiry.
Inihayag ni Usec. Castelo na kapag nabigong makapagpaliwanag ang mga negosyante at hindi ibinalik sa dating presyo ang mga pangunahing bilihin o prime commodities, saka nila ito kakasuhan na may katumbas na multa at parusang pagkakakulong.
-
16 SAKAY NG FISHING BOAT NAILIGTAS
NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 16 indibidwal sakay ng nasiraang fishing boat na ginamit para sa paghahatid ng mga bisita para sa “Unveiling Ceremony of the Historical Marker” sa Homonhon island kaugnay sa ika-500 anibersaryo ng “First Circumnavigation of the World” ngayong araw. Ayon sa PCG,nasiraan ang makina […]
-
PDu30, inatasan ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay nagpahayag ng pagkadismaya ang Chief Executive sa patuloy na pagkalat ng nasabing sakit. […]
-
Pope Francis idinaing ang pananakit ng tuhod kaya hindi nakasalamuha ang mga tao
NAKARANAS ng pananakit sa tuhod si Pope Francis kaya hindi niya personal na nakasalamuha ang mga tao sa Vatican. Sinabi ng 85-anyos na Santo Papa na sumakit bigla ang kanyang kanang tuhod. Biro pa nito na temporaryo lamang ito at normal itong sakit ng mga may edad na. Kada […]