• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag na P1K social pension sa mahihirap na seniors, may pondo

TINIYAK ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na may pondo para sa P1,000 social pension ng may apat na milyong mahihirap na senior citizens sa bansa.

 

 

Ito ay batay na rin sa kumpirmasyon sa kanila ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian na nagsabing ang karagdagan P25.6 bilyon na kakailanganin para sa dobleng halaga ng pensyon ay huhugutin sa “unprogrammed funds” ng kagawaran.

 

 

Ipinagmalaki ng kongresista na naging matagum­pay ang kanilang pagsisikap na matiyak na magkaroon ng pondo ang dagdag na pensyon.

 

 

Sa ngayon, sinabi ni Ordanes na hinihintay na lamang ni Gatchalian ang implementing rules and regulations (IRR) na magmumula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).

 

 

Sa impormasyon naman ni Ordanes, Agosto pa nang simulan ng NCSC, na pinamumunuan ni Chairman Franklin Quijano, ang pagbalangkas sa IRR.

 

 

“Ang kailangan na lamang talaga ay ang IRR mula sa NCSC para matanggap na ng mga indigent senior citizens ang dagdag nilang pensyon na matagal na nilang hinihintay,” pahayag ni Ordanes, na lumabas na Top 10 sa performance rating sa hanay ng partylist representatives base sa RP-Mission and Development (RPMD) survey.

Other News
  • Mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya, ide-deliver na sa bansa

    INAASAHANG made-deliver sa Pilipinas sa susunod na buwan ang mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya Research Institute.   Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na walang “favoritism’ sa pagbili ng tinaguriang potentially life-saving doses. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang maliit na volume ng bakuna ay magmumula sa Pfizer. Wala namang ibinigay na detalye […]

  • NORA, matsa-challenge na naman sa pagtanggap sa lead role ng ‘Kontrabida’

    ISA na naman challenge sa kanyang career ang tatahakin ni Superstar Nora Aunor sa pagtanggap niya ng lead role sa Kontrabida, ang bagong obra ni Direk Adolfo Alix, Jr. under Godfather Productions ni Joed Serrano.     Nauna na ang anunsiyo last December na may gagawin project si Ate Guy sa produksyon ni Joed at […]

  • Nag-e-enjoy sa pagiging ‘glam-ma’ ni Hailey: TERESA, ‘di itinanggi na siya mismo ang nagpa-rehab kay DIEGO

    MASAYANG-MASAYA ang magaling na aktres na si Teresa Loyzaga dahil sa pagkakaroon ng sariling pamilya ng anak nila ni Cesar Montano na si Diego Loyzaga. Ayon pa kay Teresa sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda sa programang “Fast Talk ni Boy Abunda” ay nag-enjoy daw siya sa papel niya bilang ‘Glam-ma’ sa apong si […]