• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Donaire, negatibo sa confirmatory test; umaasang tuloy ang Rodriguez bout

Umaasa si dating four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na matutuloy na ang sagupaan nila ni Puerto Rican boxer Emmanuel Rodriguez.

 

Ito’y makaraang lumabas ang resulta ng kanyang confirmatory test na nagnegatibo ito sa COVID-19.

 

Ayon kay Donaire, kinailangan niya at ng kanyang asawa at manager na si Rachel na sumailalim sa isa pang test dahil duda sila sa lumabas sa inisyal na COVID-19 test.

 

“We asked for a confirmatory test to make sure I was positive. They said NO. So I had to pay to get one done,” saad ni Donaire sa Twitter.

 

Nakatakda sanang harapin ni Donaire si Rodriguez para sa bakanteng WBC crown sa Disyembre 19 sa Mohegan Sun Arena sa Connecticut.

 

Ngunit matapos na magpositibo sa deadly virus, sinasabing umatras si Donaire sa laban at posibleng palitan ng isa pang Pinoy na si Reymart Gaballo (23-0, 20 KOs) sa Showtime main event.

 

Huling tumuntong sa ibabaw ng ring si Donaire (40-6, 26 KOs) noong Nobyembre 2019 kung saan natalo ito sa kamay ni Japanese superstar Naoya Inoue sa bantamweight final ng World Boxing Super Series.

Other News
  • Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

    WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.   Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.   Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang […]

  • Pangulong Marcos: Vice President Sara ‘di sisibakin sa DepEd

    SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya sisibakin o papalitan sa pwesto si Vice President Sara Duterte.     Ayon sa Pangulo, ang hindi pagkakaintindihan ng kanyang maybahay na si First Lady Liza at ni Duterte ay hindi sapat para sibakin niya ang huli bilang kalihim ng DepEd.     Tiniyak din ng […]

  • Gibo Teodoro at Dr. Ted Herbosa, nanumpa kay PBBM bilang mga bagong miyembro ng gabinete

    NANUMPA na sa kani- kanilang tungkulin sa harap ni Pangulong  Ferdinand R Marcos Jr ngayong umaga sina Gilbert ” Gibo ” Teodoro at Dr Ted Herbosa.     Si Teodoro ay manunungkulan bilang Defense Secretary habang si Herbosa ay magsisilbing Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan.     Kasamang nanumpa ni Teodoro Ang kanyang kabiyak na […]