• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rightsizing, hindi para sibakin ang empleyado -PBBM

NILINAW ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na ang rightsizing ay hindi para sibakin sa trabaho ang mga empleyado kundi magsisilbi itong tool o kasangkapan para  “i-upskill at reskill” ang kasalukuyang government workforce para mapahusay ang state services at mga programa.

 

Nauna rito, ipinag-utos ng Pangulo ang pag-assess sa mga posisyon sa ehekutibong sangay ng pamahalaan bilang bahagi ng rightsizing measures ng gobyerno.

 

Nais kasi ng Pangulo na idetermina ang inuulit  lamang na posisyon sa government branch at maging ang tungkulin na maaaring pagsamahin kasunodng  sectoral meeting ukol sa  National Government Rightsizing Program (NGRP).

 

Sa nasabing pulong sa Palasyo ng Malakanyang, nagbigay ng upadte report ang  Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) at Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Marcos hinggil sa “status at salient features” ng panukalang  National Government Rightsizing Bill.

 

Sinabi ng Presidential Communications Office na ang Section 6 ng House Bill No. 7240, o National Government Rightsizing Act, “authorizes the President to right-size the operations of agencies in the executive branch.”

 

Kabilang na rito ang pagsusulong ng “functional shifts at modifications, pag-implementa sa  organizational actions base sa rekumendasyon ng  Committee on Rightsizing the Executive Branch (CREB), pagsasagawa ng iba pang functional o organizational actions, pag-develop at pagbibigay ng safety nets, at pagbalangkas ng organizational development program para palakasin ang agency institutional capacity at paghusayin pa ang employee productivity.

Kabilang naman sa mga salient o kapansin-pansing probisyon ng panukalang batas ay ang  mandatory coverage ng lahat ng ahensiya ng ehekutibong sangay ng pamahalaan kabilang na ang mga departmento, bureaus, tanggapan, komisyon, boards, konseho at ang lahat ng iba pang entity na naka-attached sa o na nasa ilalim ng kanilang administrative supervision, at government-owned or -controlled corporations (GOCCs)  na hindi saklaw sa ilalim ng Republic Act No. 10149 o GOCC Governance Act of 2011.

 

Nakasaad sa batas na hindi naman kasama o excluded  mula sa  NGRP ay  “teaching at teaching-related positions sa mga eskuwelahan, medical at allied-medical items sa mga  ospital at iba pang medical facilities, military at uniformed personnel, at GOCCs at government financial institutions na saklaw ng Governance Commission for GOCCs.

 

“The legislature, judiciary, Office of the Ombudsman, constitutional commissions, and local government units (LGUs) may also right-size their respective offices consistent with the principles and guidelines contained in the NGRP,” ayon sa batas.

 

Ayon sa PCO,  naniniwala si Pangulong Marcos na isasama sa NGRP ang komprehensibong strategic review ng mga tungkulin, operasyon organisasyon sistema at proseso ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

 

Isasama rin ang malawakan at transformational initiatives sa mga agencies concerned, gaya ng pagsasanib, pagpapatatag, paghahati, paglilipat at maging ang abolisyon ng ilang tanggapan. (Daris Jose)

Other News
  • PAL babayaran ang P570 million na utang sa CAAP

    Nangako ang Philippine Airlines (PAL) na babayaran nila ang kanilang utang sa Civil Aviation Authority of the Philippines na nagkakahaga ng P570 million matapos gawin ang unang bahagi ng bankruptcy proceedings na kanilang inihain sa New Court.     “I asked Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade to push through with its collection efforts […]

  • 3 naaktuhan nagtatarya ng shabu sa loob ng jeep sa Valenzuela

    SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagtatarya umano ng shabu sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.     Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:20 […]

  • Ilang US Olympic gymnasts binatikos ang FBI sa pagbalewala sa reklamo na sexual harrasment

    Binatikos nina US Olympic gymnasts Mckayla Maroney at Simone Biles ang FBI at Justice Department dahil sa hindi nila pinaniwalaan ang kanilang sumbong na sexual harrasment laban sa dating coach na si Larry Nassar.     Sa ginawang pagdinig sa Senate Judiciary Committee sinabi ng dalawang atleta na hinayaan ng mga otoridad na maging malaya […]