• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy na nasa death row, tulungan matapos ibasura ng Malaysia ang mandatory death penalty

Nanawagan ang isang mambabatas sa Departments of Foreign Affairs (DFA) at Migrant workers (DMW) na tulungan ang mga Pilipino na nasa death row sa Malaysia.

 

 

 

Ang apela ay ginawa ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo matapos na pagbotohan ng Malaysian government nitong Lunes (April 3, 2023) ang pagtanggal ng mandatory death penalty sa ilang opensa na magbibigay sa mga hukom na magdesisyon kung ipapataw o hindi ang nasabing capital punishment.

 

 

 

“This is certainly a welcome development, especially for our kababayans on death row in Malaysia who may have a justifiably legal cause to receive a much lesser penalty,” ani Salo.

 

 

Sinabi ng mambabatas na binigyan din nito ng pag-asa na mairerekonsidera ang maraming kaso at maibaba ang parusa.

 

 

 

Matatandaan sa isinagawang mga pagdinig sa kamara, inihayag ng ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 83 overseas Filipinos ang nahatulan ng parusang kamatayan sa iba’t ibang kaso, 56 nito ay pawang nasa Malaysia.

 

 

 

Ayon sa bagong lehislasyon, ang mga nahatulan ng death penalty o life imprisonment ay maaaring humingi ng rebyu sa kanilang hatol.

 

 

Karamihan aniya ng mga kaso ay nasa final at executor na. Kung wala ang nasabing pagbabago ay tanging presidential pardon mula sa Malaysian government ang natitirang tanging paraan.

 

 

Hinikayat pa ng mambabatas ang DFA at DMW na agad magbigay ng lahat ng kinakailangang legal assistance sa mga overseas Filipinos na ansa death row sa Malaysia upang ma-rebyu ang kanilang hatol. (Ara Romero)

Other News
  • Greek tennis player Stefanos Tsitsipas pasok na sa quarterfinals ng Australian Open

    PASOK  na sa quarterfinals ng Australian Open si Greece 4th seeded Stefanos Tsitsipas.     Ito ay matapos na talunin si Taylor Fritz ng US sa loob ng limang set.     Nagtala ang Greek player na 4-6, 6-4, 4-6, 6-3, 6-4 sa laro na tumagal ng tatlong oras at 23 minuto sa Rod Laver […]

  • Sandoval mapalad sa dyowa

    SAGANA sa pagmamahal si Premier Volleyball League (PVL) star Carla Sandoval sa kanya dyowang si Philippine Basketball Association D-League (PBADL) player Mario Emmanuel Bonleon II.   Pinangalandakan ito ng 23 taong-gulang, may 5-7 taas na dalaga sa isang social media post niya kamakalawa. Bukod sa maituturing nang bestfriend ay true love pa niya ang kasintahan. […]

  • PBA, nagpadala na ng liham sa IATF para payagan ang team practices

    Nagsumite na umano ng pormal na liham ang PBA sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa posibilidad ng pagsasagawang muli ng mga team practices sa buwan ng Hulyo.   Kaugnay pa rin ito sa ginagawang mga preparasyon ng liga para sa posibleng pag-usad muli ng 2020 season na pansamantalang sinuspinde dahil sa COVID-19 pandemic.   Sa […]