• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA, nagpadala na ng liham sa IATF para payagan ang team practices

Nagsumite na umano ng pormal na liham ang PBA sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa posibilidad ng pagsasagawang muli ng mga team practices sa buwan ng Hulyo.

 

Kaugnay pa rin ito sa ginagawang mga preparasyon ng liga para sa posibleng pag-usad muli ng 2020 season na pansamantalang sinuspinde dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, noong Huwebes pa nila naipadala sa IATF, partikular kay Health Sec. Francisco Duque III, ang sulat kaugnay sa apela.

 

Sa ngayon ay hinintay na lamang daw nila ang magiging tugon ng task force para makapagpatuloy na sila sa binabalangkas nilang mga plano.

 

Ngunit ayon kay Marcial, kung tanggihan daw ng IATF ang kanilang hiling, ito na rin umano marahil ang hudyat para pagdesisyunan na ang kapalaran ng ika-45 season.

 

“Doon namin dedesisyunan, katulad ng sinabi namin [na] by August, kung ano na ang mangyayari kasi kung practices baka hindi pa payagan,” wika ni Marcial.

 

“So talagang nakahintay kami kung ano ang gagawin ng gobyerno. Kung hindi papayagan ‘yun, kung hindi papayagan ang basketball, doon na tayo magdedesisyon sa August, kung mayroon pa tayong season o wala na.”

 

Una rito, tiniyak ni Marcial na mahigpit ang ipatutupad nilang safety protocols, na aprubado rin ng PBA Board of Governors.

 

Kumpiyansa si Marcial na pasok sa pamantayan ng IATF ang kanilang protocols, kung saan kabilang dito ang mahigpit na requirement kung saan kinakailangang sumailalim ang lahat ng mga players sa COVID-19.

 

Sa oras na mabigyan na ng go signal, sunod na target naman daw ng PBA ang pag-practice ng kada batch na binubuo ng anim na katao kung saan apat dito ay mga manlalaro, pero limitado lang sa conditioning.

Other News
  • Paglipat sa SMB ni Perez 6 katao kapalit – aprub

    INAPRUBAHAN na nitong Martes ni Philippine Basketball Association Commissioner Wilfrido Marcial ang trade ng San Miguel Beer at Terrafirma ilang paghahanda ng dalawang koponan sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.     Opisyal ng kasaping Beermen si Christian Jaymar Perez, top pick ng Dyip noong 2018, naging 2019 Rookie of […]

  • BEAUTY, unang makatatambal si KELVIN sa isang mini-series bilang Kapuso

    SI Kapuso young actor Kelvin Miranda pala ang unang makatatambal ng bagong Kapuso actress na si Beauty Gonzalez, na pumirma na ng contract sa GMA Network last Friday, June 11.     Isang romance mini-series ang gagawin nila, titled Stories from the Heart na ididirek ni Adolf Alix Jr.     Si Kelvin ay lubos […]

  • Pope Francis, pangungunahan ang 1-mo. global rosary vs COVID-19

    Pangungunahan ni Pope Francis ang global rosary marathon para matigil na ang COVID-19 pandemic.     Ayon sa Pontifical Council for the Promotion of the New Evangelization na mismo ang Santo Papa ang nagdesisyon na pangunahan ang pagdarasal sa buong buwan ng Mayo.     Sisimulan ng Santo Papa ng pagdarasal ng rosary sa Mayo […]