• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 todas sa sunog sa printing office sa Valenzuela

NASAWI ang apat manggagawang kalalakihan sa isang printing office matapos sumiklab ang sunog sa kanilang tanggapan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Hindi muna pinangalanan ni Valenzuela Fire Marshal Supt. Ana Mae Legaspi ang apat na nasawing trabahador na na-trap makaraang sumiklab ang sunog sa pinaglilingkurang Printing Press sa 2067 Lamesa St. Brgy. Ugong, sa naturang lungsod.

 

 

Sa panayam kay FO1 Kim Alnas ng Valenzuela Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-3:57 ng hapon matapos marinig ang isang malakas na pagsabog na sinundan ng mabilis na pagsiklab ng apoy.

 

 

Kaagad namang nakapag-responde ang mga bumbero ng Valenzuela BFP, pati na ang ilang mga fire volunteers kaya’t mabilis ding nakontrol ang apoy na umabot lamang sa unang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-4:35 ng hapon.

 

 

Inaalam pa ni Arson investigator FO2 Paul Fajardo ang dahilan ng pinagmulan ng pagsabog at pagsiklab ng apoy na tumupok sa hindi pa batid na halaga ng ari-arian.

 

 

Kaagad namang nagtungo si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, kasama ang opisyal at kawani ng City Social Welfare and Development Office sa pinangyarihan ng sunog, upang makiramay at maghandog ng kaukulang tulong sa naulilang pamilya ng mga nasawi,

 

 

Sinabi pa ni FO1 Alnas sa panayam na isinasailalim na rin sa autopsy examination ang bangkay ng mga nasawi upang malaman kung may iba pang dahilan ng kanilang pagkamatay. (Richard Mesa)

Other News
  • Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas

    PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City.     Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa […]

  • Pagsusulong na maisabatas ang Divorce Law, ikinadismaya ng CBCP

    DISMAYADO ang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa pagsusulong ng mga mambabatas sa pagsasabatas ng diborsiyo sa Pilipinas.   Ito ang reaksiyon ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias at Chairman ng CBCP – National Appellate Matrimonial Tribunal sa pag-apruba ng House Committee on Population and Family Relations sa tatlong inakdang divorce […]

  • Balik-eskwela’t sports ng MILO Philippines

    PANDEMYA ang sanhi sa naantalang pisikal na mga klase at kanselasyon ng mga aktibidad sa sports sa bansa.     Kaya lahat ng mga estudyante nananatili na lang sa kanilang mga tahanan at gumugol nang mahabang oras sa mga laptop at mobile phone.     Nagbalik na ang milyong mga mag-aaral sa mga klaseng magkakaharap, […]