• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsusulong na maisabatas ang Divorce Law, ikinadismaya ng CBCP

DISMAYADO ang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa pagsusulong ng mga mambabatas sa pagsasabatas ng diborsiyo sa Pilipinas.

 

Ito ang reaksiyon ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias at Chairman ng CBCP – National Appellate Matrimonial Tribunal sa pag-apruba ng House Committee on Population and Family Relations sa tatlong inakdang divorce bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

“Sa ating gobyerno parang ang nababasa ko ay sila’y desidido na sa ganyan para bagang para ipakita na talagang ang divorce ay meron na sa Pilipinas,” pahayag ni Bishop Tobias sa panayam sa Radyo Veritas.

 

Base sa 2014 report ng Office of the Solicitor General, umaabot sa higit sampung libo ang naitalang annulment case sa bansa.

 

Nasa pagitan ng edad 21 hanggang 25 taong gulang na nakapagsama palang ng 1 hanggang 5 taon ang nagsusumite ng pagpapawalang bisa ng kasal.

 

Samantala sa 2015 Philippine Statistics Authority, naitala na 1,135 ang nagpakasal kada araw; 42 percent ay sa pamamagitan ng civil wedding habang 36 percent naman ang nagpakasal sa Simbahan.

 

Ang bilang na ito ay bumaba ng 20 porsiyento simula taong 2005.

 

Matatandaan namang Disyembre taong 2015 ng inilabas ni Pope Francis ang Mitis Iudex Dominus Iesus kung saan pinasimple ang proseso ng annulment ng Simbahan. (Gene Asuara)

Other News
  • PREPARE FOR TAKEOFF WITH “TOP GUN: MAVERICK” CHARACTER POSTERS

    MEET the best of the best. Get to know the Top Gun: Maverick crew with the reveal of their individual character posters.       See them on the biggest screen possible on Wednesday, May 25 in theaters and IMAX across the Philippines.   [Watch the film’s new spot at https://youtu.be/N8stAcufxy8]   About Top Gun: Maverick   After more than thirty […]

  • Mabilis namang maka-amoy kaya walang natuloy: RABIYA, na-confuse na mas mabenta sa bading kesa sa tomboy

    INAMIN ni Rabiya Mateo na never pa siyang naligawan ng isang tomboy.   “Parang hindi ako maano sa ano, hindi ako mabenta,” pagbibiro niya.   “Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.   Kuwento pa ni Rabiya, “pero maraming nanligaw sa akin na… ito yung nakakatawa, bakla! Na […]

  • Golden State Warriors isang panalo na lang para maibulsa ang korona sa NBA Finals

    TATANGKAING tapusin na ng Golden State Warriors ang serye sa Game 6 sa darating na Biyernes, makaraang mamayani kanina laban sa Boston Celtics sa Game 5 sa score na 104-94 para umabanse pa sa serye sa 3-2 sa NBA Finals.     Ang Game 6 ay doon naman gaganapin sa homecourt ng Boston na magsisimula […]