Muling magsasama after 20 years: CHRISTOPHER, ididirek si VILMA sa ilang eksena sa pelikula
- Published on April 11, 2023
- by @peoplesbalita
TWO weeks na palang tuluy-tuloy ang shoot ng movie na “When I Met You in Tokyo,” na muling magpapabalik sa love team nina Vilma Santos at Christopher de Leon. Kasama rin nila sa shoot si Tirso Cruz III, sa Japan.
Happy ang production dahil wala silang problema sa pagtatrabaho nila, dahil si Japanese actor-director-producer na si Jacky Woo, ang tumulong sa pag-aasikaso ng lahat ng mga kailangn nila sa shooting, kaya smooth sailing ang shoot nila roon.
Wala rin silang problema sa set dahil malamig at ini-enjoy nila ang snow at ang beauty ng Cherry Blossoms or Sakura na in season ngayon sa Tokyo.
Malapit daw lamang sa Narita Airport ang hotel na tinutuluyan nila. Kaya nagkaroon din ng chance si Senator Jinggoy Estrada na madalaw sila sa set, dahil nasa Tokyo sila ng family niya during the Holy Week.
Ang “When I Met You in Tokyo” ay produced by JG Productions Incorporated, na muli nang pagtatambalan nina Ate Vi at Boyet, after almost 20 years since the last movie na pinagtambalan nila noon. Napag-alaman din namin na besides acting. Boyet will also be directing his leading lady in some of the scenes ng movie.
Meanwhile, kasama naman ni Tirso sa Japan ang wife niyang si Lynn Cruz.
***
NAGSIMULA na muling mapanood ang #MaineGoals Season 3 sa TV5 at 8:30 am, Mondays to Fridays, na nagtatampok sa barkada nina Maine Mendoza at co-hosts na sina Chamyto at Chichi.
Ang first episode nila ay tungkol sa pagti-training nila as flight stewardees, at dito nalaman na kahit pala nag-graduate na that time si Maine ng Culinary Arts sa De La Salle College of St. Benilde, seven years ago, dream pala niya noon na maging flight stewardess.
Pero hindi ng natupad ang dream ni Maine that time, dahil inagaw siya ng showbiz at doon siya nakilala. Kaya matutupad na lamang ang wish na iyon ni Maine kung makakaganap siya ng role na isa siyang flight stewardess.
At hindi lamang pagti-training ang ginawa nila, ganoon din kung paano sila kikilos kapag may emergency sa loob ng airplane at kung paano rin nila isi-save ang buhay nila sa mga ganoong pagkakataon.
Hindi lamang iyon ang mapapanood sa #MaineGoals, dahil sa mga susunod na episodes, magiging professional racers din sila, warfighting training as army reservist, at iba pa. Ang #Maine Goals ay mapapanood din, with an extended version at 8PM sa BukoChannel, via PayTV on Cignal at SatLike Ch.2, Mondays to Fridays din.
(NORA V. CALDERON)
-
PARKE SA MAYNILA, PLANONG BUKSAN SA LAHAT NG EDAD
PABOR ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang suhestiyon ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang parke sa Maynila sa lahat ng edad, isang beses sa isang linggo para sa “Family Day”. Sa naging panayam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso , sinabi ng alkalde na suportado nito ang domestic tourism lalo sa […]
-
BI, magsasagawa ng servive caravan sa Iloilo
ANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsasagawa nila ng second leg ng kanilang nationwide caravan sa Iloilo. Ang Bagong Immigration Service Caravan ay isasagawa sa Seda Hotel sa Iloilo ngayong Abril 17. Ayon sa BI, layon nito na mabigyan ng maluwag na pribilehiyo sa mag serbisyo sa mga dayuhan sa […]
-
Matapos tanggihan ng manager ang ‘Feng Shui’: JUDY ANN, twenty years ang hinintay para makatrabaho si Direk CHITO
VERY excited si Judy Ann Santos dahil sa wakas ay natuloy na ang pagsasama nila ng direktor na si Chito Roño sa isang horror film. Dalampung taong hinintay ni Juday ang pagkakataong maidirek siya ni direk Chito sa isang horror film, naudlot ang tsansa noong 2004 dahil tinanggihan ni tito Alfie Lorenzo, ang namayapang […]