• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinasilip ang script ng ‘Buybust 2’: ANNE, sa Thailand napiling mag-Holy Week kasama ang mag-ama

SA Thailand napili ng mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff na magbakasyon nitong Holy Week.

 

 

Kasama siyempre ang kanilang anak na si Dahlia na at a very young age ay maituturing ng jetsetter.

 

 

Sa Phuket, Thailand kunsaan, nasa pool area si Anne, tila ni-reveal na nito ang kanyang pagbabalik pelikula.  Habang naka-bakasyon, nagbabasa na ito ng script.

 

 

Sa Instagram caption ni Anne, nakalagay na, “Time to prep” at naka-tag ang director na si Erik Matti.  Kapag zinoom ang script na may bold letter na “copy for Anne,” ay mababasa rito na ang title ng binabasa niyang script ay “Buybust: The Undesirables.”

 

 

Si Anne ang bida sa unang “Buybust” kaya natuwa ang mga followers niya na malamang siya pa rin ang gagawa ng sequel nito.

 

 

***

 

 

AMINADO sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na sa taping ng “Voltes V: Legacy” sila nagkakilala at ‘di-maikakailang nagka-develop-an talaga. 

 

 

Ito talaga ang unang show na pinagtambalan nila sa GMA Network, pero dahil taon bago ito natapos at maipapalabas, nauna lang umere ang mga sumunod nilang shows.

 

 

Sabi nga ni Miguel, “Yes, dito kami nagkakilala and dahil hanggang last week, nag-taping pa kami, technically, dito ko pa rin siya mas nakikilala.  

 

 

“So, hindi ko makakalimutan ang show na ito dahil sa relationship namin ni Ysabel, dito kami nagkakilala at nabuo ‘yung relationship namin.”

 

 

Si Ysabel naman, sabi niya, “Three years and dito ko po talaga nakilala si Miguel and mas lumalim din po ‘yon as time goes on.”

 

 

At dahil sila nga ang mga bagong magbibigay buhay sa mga tauhan ng ‘Voltes V’ ngayon, tinanong namin ang dalawa kung anong power ang gusto nila na meron ang isa para kahit hindi sila magkasama, magiging panatag sila na kaya nitong protektahan ang sarili.

 

 

“Para sa akin, although matalino talaga si Ysabel, Law student nga ‘yan. Para sa akin, intelligence times 100. Mapo-proteksyonan niya ang sarili niya kahit wala ako. Kung may gustong mang-harass sa kanya, makakaisip siya agad ng paraan,” sey ni Miguel.

 

 

Feeling naman daw ni Ysabel, kaya ni Miguel protektahan ang sarili kahit wala siya. Pero sabi niya rin na natatawa, “Siguro ang superpower na ibibigay ko sa kanya, maging magaling magluto at magtimpla ng kape para hindi na niya kailangang bumili sa labas.”

 

 

Sa isang banda, ang “Voltes V: Legacy” ay may chance na mapanood on a cinematic experience simula sa April 19 sa iba’t-ibang sinehan at maari ng makabili ng ticket sa mga SM Cinema app at SM Cinema ticket booths.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • 2 NAAKTONG NAGSA-SHABU SA LOOB NG KARITON SA NAVOTAS

    WALANG kawala ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kariton sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) chief P/Major Randy Ludovice ang naarestong mga suspek na sina CJ Ramos, 22, construction worker ng Pinagbuhatan, […]

  • Justin Brownlee sumalang sa unang araw ng ensayo ng Gilas Pilipinas para sa November

    SUMALI  si PBA import Justin Brownlee sa unang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa kanilang November window ng FIBA World Cup Asian qualiifers sa buwan ng Nobyembre.     Ang nasabing pagdalo nito ilang linggo matapos na kinumpirma ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na inaayos na nito ang kaniyang mga dokumento para maging naturalized […]

  • ICU beds sa NCR ‘high risk’

    Nasa “high risk” na ang occupancy rate ng intensive care unit (ICU) beds sa National Capital Region dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.     Sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Abril 18, ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay nasa 84% na; 73% sa Cordillera […]