• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil nakapag-guest na sina Cassy at Mavy: CARMINA, bukas sa posibilidad na makasama rin sa serye si ZOREN

NAKAPAG-GUEST na sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ang kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy Legaspi, at dahil extended nga ang show, may posibilidad kaya na mag-guest naman si Zoren sa show?
“Ay why not? Malay mo naman, di ba,” reaksyon ni Carmina sa tanong namin sa aktres.
“Since hanggang 2028 kami, di ba,” ang pagbibirong sinabi pa ni Carmina, “may pag-asa naman siyang mag-guest.
“Alam mo actually gusto talaga niya. Gusto niya talagang mag-guest pero kasi may Urduja pa.”
Mainstay si Zoren sa umeere rin ngayon sa GMA na “Mga Lihim Ni Urduja.”
“E malay mo naman ‘pag natapos na yung Urduja puwede naming gumanun si Zoren. Why not, why not, di ba? Gusto niya, gusto niyang mag-guest.
“Malay mo naman puwedeng i-partner kay Ms. D,” pagtukoy ni Carmina sa isa pang cast member na si Dina Bonnevie na gumaganap sa serye bilang si Giselle Tanyag.
“Hindi naman necessarily puwedeng iano sa akin, pero gusto talaga niya, gusto niyang mag-guest talaga. So kung anumang role e hindi natin alam.”
Bida rin sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Jillian Ward at kasama rin sa serye sina Richard Yap, Pinky Amador, Kazel Kinouchi, Wilma Doesnt at marami pang iba.
***
Nasa cloud nine si Jeremiah Tiangco dahil magaganap na ang una niyang major concert sa Sabado, April 15 sa Music Museum, ang ‘Dare To Be Different.’
Bongga rin ang mga guests niyang sina Christian Bautista, Jessica Villarubin,  Garrett Bolden, Vilmark Viray, Mariane Osabel, This Band, The Viktor Project, Rob Deniel, Magnus Haven at si Ken Chan.
Si Jeremiah ang direktor ng kanyang sariling concert katuwang si Lee Junio Gasid.
Samantala, binanggit namin kay Jeremiah na sa poster ng concert ni Jeremiah ay napansin namin na huma-Harry Styles ang kanyang outfit; flamboyant at out-of-this-world na maituturing ang karamihan sa sinusuot ng international concert performer at dating One Direction member sa kanyang mga shows sa iba-ibang bansa.
Ano ang pakiramdam niya na sa dami nila sa Sparkle ay isa siya sa nabigyan ng importansiya tulad nga ng pagkakaroon ng major concert?
“Thankful lang ako dahil hindi ko alam na aabot kami sa ganito.
“Na mapu-pursue po talaga yung plan. Kasi unang-una isa po ‘to sa mahirap e, yung i-execute yung plan. Madaling magplano pero yung i-execute yung plan isa po yun sa pinakamahirap.
“Kaya thankful po ako sa production, sa team ko, sa direktor ko kay Kuya Lee, at the same time sa Panginoon dahil siya po ang nagpo-provide lahat ng needs namin ng team,” sinabi pa ng ‘The Clash’ season 2 grand champion at ‘All-Out Sundays’ mainstay.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Juico pinamamadali ang Phisgoc report

    ISANG mosyon ang isinumite ni Philippine Athletics Track and Field Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na humihimok sa Phil- ippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC na ipasa agad ang audited financial report sa pagdaraos ng bansa ng 30th South- east Asian Games noong Disyembre 2019.   Ginawa ng opisyal ang hakbang […]

  • Navotas namahagi ng educational assistance

    NAMAHAGI ang Pamahalang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng educational assistance sa 355 public special education students o mga estudyanteng may kapansanan.     Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng P1,000 para sa buwan ng Marso at Abril.     Ipinasa ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance 2019-04 para […]

  • Kinagigiliwan na ang kakyutan at kaguwapuhan: MARIAN, confident na pagpapalaki kay SIXTO na tulad ng ginawa kay ZIA

    IT’S Sixto Dantes turn to shine, dahil sa bunsong anak naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nakatutok ang mga netizens.     Matapos ngang rumatsada ang panganay nilang anak na si Zia Dantes sa mga commercial simula noong baby pa siya, time naman ngayon ni Sixto.     Early last year, inilabas ang first […]