• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakikinabang sa mga Medical Mission ni Nieto Patuloy na Nadadagdagan

UMABOT  na sa 1,023 ang mga Manilenyong natulungan sa pangangailangan pang kalusugan at kagalingan ng mag rehistro at makinabang sa ARAW N’YO, SERBISYO KO! BIG MEDICAL MISSION, ang programang pang Kalusugang Manilenyo na pinangungunahan ng Bise Alkalde Yul Servo Nieto ay ginawa noong April 1, 2023.

 

 

Bilang pang 14th medical mission sa ilalim ng programang pangkalusugan at kagalingan ni Nieto simula ng kanyang panunungkulan bilang Vice Mayor ng Maynila noong June 30, 2022 ay umabot na sa 20,472 ang nakinabang.

 

 

Ang libreng pagsusuri sa kalusugan at pamimigay ng libreng gamot, salamin, simpleng operasyon, kasama ang serbisyong pang kagalingan katulad ng libreng gupit, facial, masahe at marami pang iba, ay ginawa sa ZONE 50 District 4 Brgy. 503 Sampaloc, Manila.

 

 

Ayon kay Nieto, ang mga medical mission na ito ay handog niya, kasama  ng Asenso Manileño at sa pangunguna ni Mayor Dra. Honey Lacuna, sa mga residente ng Lungsod ng Maynila para sa ikabubuti ng kanilang kalusugan at kagalingan. Bahagi nito ang mga councilors na sina Atty. Krys Bacani, Coun. DJ Bagatsing, Doc Louie Chua, Atty. Lady Quintos, Coun. Science Reyes, Coun. Joel “JTV” Villanueva.

 

 

“Importante para sa akin ang kalusugan ng tao, hindi lang dahil sa pag malusog tayo, hindi tayo madaling mahawa sa sakit at makakaiwas tayo sa mahal at magastos na mga gamot, kundi ang malusog na bayan ay malaki ang maitutulong sa pag-unlad  ng ating bayan” pahayag ni Nieto.

 

 

Kasama sa mga libreng serbisyong ibinigay noong April 1 ay check-up ng blood sugar at ihi, dental at optical, alis-kuto, anti-rabies, civil registry at legal assistance at marami pang iba. Bukod dito, mayroon pang libreng pagkain at raffle na ginawa noong medical mission. At lahat ng ito ay nagagawa na walang gastos ang gobyerno.

 

 

“Kaya ako po ay nagpapasalamat sa patuloy na pag suporta niyo sa mga medical mission na ito,  lalo na ang mga donors at volunteers sa kanilang tiwalang ibinibigay sa programang ito” sabi ni Nieto. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Isiniwalat na nakabili na ng apartment sa Paris: HEART, napansin at pinuri ni VICTORIA BECKHAM sa suot na OOTD

    SA tuwing rarampa ang fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista, imposible talaga na hindi siya mapapansin, lalo sa mga designers clothes, bags and shoes na sinusuot niya.     And lately lang, nakuha ni Heart ang atensyon ng international star na si Victoria Beckham dahil sa kanyang latest OOTD sa Paris Fashion […]

  • Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na ipinamamahagi ngayong panahon ng ECQ, pinatulan ng Malakanyang

    TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.   Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance […]

  • Fernando, nanguna sa paglaban kontra vote buying sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa Lalawigan ng Bulacan ngayong araw upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at masiguro ang maayos, mapayapa, patas at inklusibong halalan sa darating na nasyunal at lokal na botohan sa Mayo 9, 2022.     Tinawag […]