• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jeepney drivers nais ng malinaw na plano patungkol sa subsidiya ng DOTR sa piling PUV routes

NAIS  ng ilang jeepney drivers na magkaroon ng malinaw na plano ang Department of Transportation kung paano makakarating sa mga jeepney driver ang nais nilang ibahagi na subsidiya.

 

 

Ang ilan sa mga jeepney drivers raw ay hindi nakakatanggap ng sinasabing subsidiya, dahil anila, ang mga operators ang tumatanggap nito at hindi na nakakababa sa driver.

 

 

Inihalimbawa ni Marlon Jacila, ang ibinigay raw na subsidiya para sa krudo, ayon sa kanya ay hindi naman lahat ng driver nakatanggap nito dahil ang ilan ay na stuck nalang sa operators.

 

 

Kaya ang tanong nila, paano umano ito makakarating sa mga jeep drivers.

 

 

Maayos daw sana itong plano na subsidiya sa mga drivers dahil malaki na rin ang maitutulong sa pang araw araw.

 

 

Dagdag pa ni Marlon, lahat raw ng bigat ay nasa drivers kaya itong subsidiya sana naman raw ay makarating sa jeepney drivers talaga.

Other News
  • Ads March 30, 2022

  • Ads February 21, 2024

  • Fernando, ipinag-utos na pag-ibayuhin ang istratehiya kontra COVID-19

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa ginanap na Joint PDRRMC and C/MDRRMOs’ 3rd Quarter Meeting via Zoom kahapon, iniutos ni Gob. Daniel R. Fernando na sundin ang kanyang direktiba na pag-ibayuhing maiigi ang istratehiya ng lalawigan laban sa COVID-19 kabilang ang prevention, detection, isolation or quarantine, testing at treatment.   Partikular niyang tinukoy ang koordinasyon sa lahat […]