‘Online Simbang Gabi’, hikayat ng DOH sa publiko para iwas COVID-19
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na dumalo na lang ng online masses ngayong nagsimula na ang panahon ng tradisyunal na Simbang Gabi.
“As much as possible, reduce contact rate or avoid exposure to the virus by attending online masses instead of in-person gathering,” ayon sa health advisory ng ahensya.
Aminado ang DOH na nakikita nilang may downtrend o bumababa ang bilang ng COVID-19 cases, pero mahalaga pa rin umanong sundin ng publiko ang minimum health standards lalo na’t maituturing na “superspreader event” ang Simbang Gabi.
“We cannot overemphasize the need to follow the minimum health protocols at all times. Gatherings (like Simbang Gabi) can easily become superspreader events.”
Bukod sa mungkahi na pagdalo sa online masses, inirerekomenda ng Health department na obserbahan ng publiko ang panuntunan na nakahanay sa “Apat Dapat” advisory ng Health Professionals Alliance against COVID-19 (HPAAC).
Katulad ng pagsunod sa physical distancing na isang metro; pagsusuot ng face mask at face shield; limitadong oras ng aktibidad na may close contact; at angkop na ventilation o daluyan ng hangin sa lugar ng pagtitipon.
“Avoid high risk activities such as those conducted in enclosed spaces or areas with poor ventilation, activities like singing or shouting, and other forms that might involve physical contact.”
Batay sa inamyendahang Omnibus Guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, pwede na ang religious gatherings. Naka-depende lang sa antas ng community quarantine ng lugar ang papayagang dami ng tao.
- MECQ (modified enhanced community quarantine): not more than 5 persons
- GCQ (general community quarantine): not more than 30% of the seating capacity
- MGCQ (modified general community quarantine): not more than 50% of the seating capacity
Batid ng ahensya na posibleng magkaroon ng “post-holiday surge” o pagsipa sa bilang ng COVID-19 cases pagkatapos ng Bagong Taon, kaya naman umaapela sila sa publiko na ikonsidera na lang ang mga alternatibo sa Simbang Gabi.
“It is best to avoid events that could overwhelm our health system and capacity to respond as a whole.”
Nilinaw ng DOH na hindi nila ipinagbabawal ang holiday celebrations, pero kakambal daw ng pagdiriwang ang responsibilidad ng bawat isa laban sa COVID-19. (ARA ROMERO)
-
Mula sa 17 rehiyon sa Pilipinas, nagsumite na sa DILG ng ‘unvaxxed list’
SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nagsumite ng listahan ng mga indibidwal na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang data na ito ay naglalayon na […]
-
Get Ready for Tim Burton’s “Beetlejuice Beetlejuice” – New Trailer Released!
TIM Burton, the creative genius behind some of the most visually stunning and imaginative films, has once again summoned Beetlejuice to the screen. Michael Keaton reprises his iconic role as the mischievous demon in “Beetlejuice Beetlejuice,” joined by returning cast members Wynona Ryder and Catherine O’Hara. Adding fresh faces to the cast are Jenna Ortega […]
-
PBA finals apektado ng sunog sa Big Dome
IMBES na sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum ay sa ibang venue lalaruin ang Game Six ng PBA Governors’ Cup Finals sa pagitan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco. Ito ay matapos pasukin ang venue ng makapal at mabahong usok mula sa sunog sa isang construction site na katabi ng Big Dome kahapon ng […]