Mga artistang Bulakenyo,magpapamalas ng angking talento sa Sining sa Hardin: Bulacan Art in the Park
- Published on April 15, 2023
- by @peoplesbalita
TATLONG araw na eksibit ang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office – Arts and Culture Division na pinamagatang “Sining sa Hardin: Bulacan Art in the Park at Konsierto ng mga Artistang Bulakenyo” mula Abril 14-16, 2023, alas 10:00 ng umaga sa Mini Forest sa Provincial Capitol Compound sa lungsod na ito.
Dalawampu’t apat na music performers ang magtatanghal ng makulay na sining ng Bulakenyo kabilang ang Hiyas ng Bulacan Provincial Band, Frolic Nerve, The Art Corner PH, Kardobente Uno, Yort, Trixie Dayrit, Benn Music, Bagumi, Episode III, Pax Machine, Von Lucero, Daloy Kolektibo, Sweet December, Drivenback, Why Loras, Paul de Guzman, The Libras, BulSu Liveband, Kross Path, Omanaki, Acoustic Soulmate, Citrus Blend, Ferry Baltazar at Strings of Madala.
Bukod dito, 14 na art groups din ang lumahok sa nasabing eksibit kabilang ang Artists Guild of Sta. Maria (AGOS), Alyansa ng Sining Biswal ng Guiguinto, Association of Quingua Artists, Bahaghari ng Malolos, Bahaysining, Baliuag Art Group, Bulakan Artist Circle, FOCUS Bulacan, Graffiti Artists, Grocery, Lumina, San Rafael Artists Group at Sining at Galing ng Santa Maria (SINAG).
Samantala, hinihikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga mahilig sa sining at musika na suportahan ang mga lokal na artista at musikero dahil sila ay itinuturing na tanglaw na nagbibigay liwanag sa walang katulad na sining ng mga Bulakenyo.
“Tangkilikin, suportahan at pahalagahan po natin ang ating mga Bulakenyong alagad ng sining na ito man ay sa larangan ng likhang sining, musika o kasaysayan. Tulungan po natin silang itanghal ang pagpapahusay ng mga Bulakenyo upang patuloy na magliwanag ang kadakilaan ng Lalawigan ng Bulacan,” ani Fernando. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
CBCP-ECCCE, nakiisa sa prayer intention ng Santo Papa Francisco na educational emergency
NAKIKIISA ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa prayer intention ng kaniyang Kabanalang Francisco para sa unang buwan ng taon. Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto – Vice-chairman ng CBCP-ECCCE, mahalagang maisulong ang pagkakapatiran katulad ng panalangin ng Santo Papa upang mamamayani ang […]
-
Dickel, mananatiling coach pa rin ng Gilas – SBP
Mananantili pa ring interim head coach ng Gilas Pilipinas si TNT active consultant Mark Dickel. Ito ay matapos na pagdedesisyunan pa ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kung sino ang ilalagay nilang permanenteng coach ng national basketball team. Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios, na mananatili pa rin si Dickel hanggang wala […]
-
Justin Timberlake, nag-apologize kina Britney Spears at Janet Jackson
NAG–ISSUE ng public apology ang pop star na si Justin Timberlake sa former girlfriend na si Britney Spears at sa singer na si Janet Jackson. Ayon kay Justin, he had failed them in the past. Nakatanggap ng bashing si Timberlake on social media dahil sa interview niya 20 years ago tungkol […]