Dickel, mananatiling coach pa rin ng Gilas – SBP
- Published on July 13, 2020
- by @peoplesbalita
Mananantili pa ring interim head coach ng Gilas Pilipinas si TNT active consultant Mark Dickel.
Ito ay matapos na pagdedesisyunan pa ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kung sino ang ilalagay nilang permanenteng coach ng national basketball team.
Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios, na mananatili pa rin si Dickel hanggang wala pang mga bagong anunsiyo.
Ang 43-anyos na si Dickel kasi ay siyang namuno sa Gilas ng talunin nila ang Indonesia 100-70 sa unang window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers noong Pebrero.
Pagtitiyak ni Barrios na maaaring sa katapusan ng taon ay makakapili na ang SBP ng permanenteng itatalaga bilang coach ng Gilas Pilipinas.
-
Ex-Senate Pres. Enrile, nanumpa na bilang chief presidential legal counsel
OPISYAL nang nanumpa sa pwesto si Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Juan Ponce Enrile sa Malacañang ngayong araw. Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panunumpa ng dating Senate President. Ayon sa pangulo, buo ang kanyang tiwala sa kakayahan at karanasan ng opisyal bilang lingkod-bayan. Dahil dito, umaasa ang […]
-
Korea’s All-Time Favorite Crime Busters Return and Head to PH in The Roundup: Punishment
THE latest installment of Korea’s most-loved action blockbuster The Roundup: Punishment starring Don Lee finally takes its action in the Philippines. In the borderless action-comedy, The Roundup: Punishment timely touches on the controversies of online gambling, locally known as POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators) as it sees the team of Ma Seok- […]
-
Pamamahagi ng ayuda sa NCR sisimulan ngayong linggo
Maaari nang simulan ngayong linggo ng mga local government units sa Metro Manila ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine sa buong National Capital Region (NCR), ayon kay Interior Secretary Eduardo Año. Ito ay kung tapos na aniya na makapaghanda ang mga LGUs sa mga kakailanganin nila […]