Speaker Romualdez ipinapanukala ang PH-US-India partnership sa pagtatayo ng digital public infrastructures
- Published on April 18, 2023
- by @peoplesbalita
IPINANUKALA ni House Speaker Martin Romualdez ang posibleng partnership ng Pilipinas, United States (US), at India sa pagtatayo ng digital public infrastructure sa bansa.
Ginawa ni Romualdez ang kanyang panukala matapos dumalo sa Digital Public Infrastructure lecture nuong Sabado (Philippine time) na ginanap sa International Monetary Fund (IMF) headquarters sa Washington D.C. kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makausap nito si Mr. Nandan Nilekani, isa sa mga founders ng Indian multinational information technology company ang Infosys.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng World Bank (WB)-IMF Spring Meetings.
Binigyang-diin ni Spealer na ang pagtatayo ng public digital platforms ay napaka angkop at naka linya sa campaign promise ng Pangulong Marcos na palakasin ang digital transformation ng bansa.
Ipinunto ni Speaker na ito ang dahilan sa pagpasa ng House of Representatives sa E-Governance/E-Government Bill, na layong ilipat ang buong burukrasya sa digital space para sa mas mabilis at transparent na pagbibigay serbisyo at magkaroon ng magandang pakikipag ugnayan sa publiko.
Sa kabilang dako, binati naman ni Speaker ang economic team ng Pang. Marcos na matagumpay na naiprinisinta ang economic situation ng Pilipinas sa isinagawang Philippine Economic Briefing sa Washington. (Daris Jose)
-
Pagkakaantala sa pagpapatupad ng stay safe , bunga ng burukrasya -Sec. Roque
KUMBINSIDO si Presidential Spokesperson Harry Roque na napigilan sana ang pagsirit sa kaso ng COVID 19 kung walang nangyaring pagkaantala sa pagpapatupad ng stay safe. Ani Sec. Roque, malaking ambag sana ang implementasyon ng Stay safe para sa epektibong contact tracing. Ang paggamit aniya sana ng teknolohiya o ang tinatawag na digital contact […]
-
MRT-3, tiniyak na ‘di magtataas ng singil sa pasahe matapos ang 1-mo. free ride
MULING iginiit ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na hindi magkakaroon ng pagtaas sa singil sa pamasahe sa tren ang naturang railway pagkatapos ng isang buwang pagpapatupad ng libreng sakay dito. Ipinahayag ito ni MRT-3 acting general manager Michael Capati na kasabay ng pagsasabing mananatili sa P13 hanggang P28 ang […]
-
Matapos na umani ng papuri sa ‘Linlang’: KAILA, masusubok naman ang galing sa historial film na ‘Pilak’
UMANI ng papuri si Kaila Estada bilang isang mahusay na aktres sa online/TV series na ‘Linlang’, and this time, sa isang pelikula naman masusubok ang kanyang galing. Sa historical film na kasalukuyang sinu-shoot ngayon na ‘Pilak’ ay unang beses na gaganap si Kaila sa isang dual role bilang babaeng nagpapanggap na lalaki. […]