• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela

DALAWANG lalaki na listed bilang most wanted ang nasakote ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-8:45 ng umaga nang magsagawa ng pagsisilbi ng warrant of arrest ang pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Cpt Doddie Aguirre at Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Ronald Bautista sa No. 1231 E. Yellow Bell St., Brgy. Malinta kontra sa akusadong si Allan Alejo, 43.

 

 

Ani Cpt. Aguirre, hindi na pumalag ang akusado nang arestuhin nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Family Court, Branch 16, Valenzuela City noong April 14, 2023, para sa kasong Robbery under Art. 294, par 5 of the RPC, as amended (Robbery with violence against or intimidation of persons).

 

 

Bandang alas-4:00 naman ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ng Detective Management Unit (DMU) sa pangunguna ni PLt Bautista, kasama ang limang iba pa sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Robin Santos, hepe ng SIDMS ang warrant of arrest laban sa isa pang most wanted na si Julius Garcia, 36, ng No. 3086 Don Ciriaco Street, San Agustine Village, Brgy. Mapulang Lupa sa Pandayan Book Store, along Maysan Road, Brgy. Malinta.

 

 

Sinabi ni Col. Destura na dinakip ng kanyang mga tauhan si Garcia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu din ng Family Court Branch 16, Valenzuela City noong March 10, 2023, para sa kasong Sexual Assault in rel. to Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Child Abuse Law (4 counts).

 

 

Dahil dito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Valenzuela CPS sa pamumuno ni Col. Destura sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang MWP. (Richard Mesa)

Other News
  • Watch ‘Violet Evergarden: Eternity and the Auto Memory Doll’ in Select Cinemas

    THE fantasy anime film Violet Evergarden: Eternity and the Auto Memory Doll is now showing in select cinemas nationwide.     Cinemas are allowed to operate at 50 percent capacity in modified general community quarantine (MGCQ) areas.     The Japanese animation film is a side-story of Violet Evergarden, based on the popular anime series. The […]

  • Train law package 4, aprubado sa Komite

    INAPRUBAHAN  ng House Committee on Ways and Means ang panukalang Package 4 of Republic Act 10963, o “Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.”     Dating tinawag na “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA),” aamyendahan ng Package 4 ang ilang seksyon ng RA 8424 o National Internal Revenue Code (NIRC) of […]

  • UPAKANG VERA-BHULLAR, TABLADO SA PUBLIKO

    INANUNSIYO ng ONE Championship na lahat ng kanilang events kabilang ang laban na gaganapin sa Maynila ay gagawing fan-less o closed door para sa mga manonood.   Nag-ugat ito dahil na rin sa kumakalat na coronavirus disease o COVID-19 , ayon sa nilabas na statement ni ONE championship chairman and CEO Chatri Sityodtong.   Lahat […]