Magalong sinopla si Abalos sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’
- Published on April 24, 2023
- by @peoplesbalita
TILA kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang alegasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may “cover-up” o tinangkang pagtakpan ang P6.7 billion drug haul sa Manila noong 2022.
Inihayag ito ni Magalong kasunod ng iprinisinta ni Abalos na CCTV footage kung saan makikita umano na dalawang opisyal at ilang tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group ang nagtangkang iligtas si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr.
Sinabi ni Magalong na personal niya itong sinuri at walang nakitang indikasyon na sinubukan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na iligtas ang mga pulis na sangkot sa nakumpiskang halos isang toneladang shabu.
“Personally, I would say that if there’s anyone standing on moral ground in the PNP, that would be the PNP chief (General Rodolfo Azurin, Jr.), same with General (Narciso) Domingo, and General “Benjamin) Santos,” ani Magalong.
Si Domingo ang pinuno ng PNP-Drug Enforcement Group nang isagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Mayo at pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu. Si Santos naman ang deputy chief for Operations ng PNP.
“We know the details (of the Manila anti-illegal drugs) operation. And as far as the Chief PNP is concerned, I am confident that he is standing on moral ground. There was no cover-up and I am certain of it, definitely,” giit ni Magalong.
Alam umano ni Azurin ang desisyon na gamitin si Mayo para makuha ang mas maraming droga subalit kalaunan ay ipinag-utos na bantayan ang huli dahil sa takot na mapatay, at sinabing hawak ni Mayo ang susi para matukoy ang kanyang backers.
Bahagi umano ito ng tactical move para masabat ang mas maraming illegal drugs nang sabihin umano ni Mayo na mayroong halos isang toneladang shabu sa isang warehouse sa Pasig City.
Wala namang nakikitang mali si Magalong sa desisyon, at sinabing ang layunin ay makumpiska ang mas maraming iligal na droga.
Ibinase niya sa pagsusuri sa sitwasyon at diskusyon kay Azurin ang paniniwala na walang cover-up sa panig ni Domingo at ng Chief PNP.
“Very intense rin ‘yung aming interview at ako definitely I would say walang cover-up on the part of the Chief PNP, same with Gen. Domingo, walang cover-up ‘yun,” wika niya.
Si Magalong na isang police general at kilala sa kanyang investigative skills ang nanguna sa imbestigasyon ng Mamapasano encounter na nagresulta sa pagkamatay ng 44 police commandos.
Kasalukuyan itong miyembro ng five-man advisory group na bumubusisi sa pagkakasangkot ng PNP third level officer-mula Colonels hanggang Generals sa illegal drugs trade. (Daris Jose)
-
Papel ng kababaihan sa Pinas ibinida ni Pangandaman
NANANATILI ang commitment ng bansa sa pagtataguyod ng women empowerment, partikular ang kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng kapayapaan, diin ni Budget Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng International Conference on Women, Peace, and Security (ICWPS) sa Philippine International Convention Center (PICC), ibinahagi ni Pangandaman ang mga hakbangin ng […]
-
Fajardo babalik na sa Season 46
Lalong lalakas ang tsansa ng San Miguel Beer na mabawi ang korona sa Philippine Cup dahil magbabalik-aksyon na si six-time MVP June Mar Fajardo. Nakakuha na ng clearance si Fajardo mula sa kanyang mga doktor para muling makapag-ensayo at makapaglaro sa susunod na season ng liga. Kaya naman asahan ang mabangis na Beermen […]
-
DOST, nakipag-sanib-puwersa sa US firm para sa paggamit ng AI para sa weather forecasting
LUMAGDA ang Department of Science and Technology (DOST) ng Memorandum of Understanding (MoU) kasama ang United States-based company, ‘Atmo,’ dalubhasa sa AI-guided weather forecasting. Sinabi ni DOST Assistant Secretary Napoleon Juanillo na layon ng departamento na mapahusay at makapagbigay ng mas detalyadong daily weather forecasts sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI) technology […]