• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, ipapatupad ang SEPO ng DENR, nagsagawa ng waterway clean-up activity sa Lungsod ng Meycauayan

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng komemorasyon ng Earth Day, nagsagawa ang Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) kasama a ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at iba pang mga kinatawan mula sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng waterway clean-up activity sa Brgy. Ubihan, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan kahapon.

 

 

Nakipag-ugnayan rin ang BENRO sa iba pang mga ahensiya kabilang na ang BPPO, National Bureau of Investigation (NBI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasundaluhan at lahat ng mga municipal at city environment and natural resources offices sa lalawigan hinggil sa pagsasagawa ng Simultaneous Environmental Protection Operations (SEPO) ng DENR sa buong lalawigan.

 

 

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang BENRO na unahin at protektahan ang kapaligiran, kaya naman regular nang isasagawa sa lalawigan ang SEPO upang makamit ang Mabiyayang Kalikasan at Malinis na Kapaligiran na kabilang sa People’s 10 Point Agenda.

 

 

“Hindi kayang protektahan ng kalikasan ang sarili nito. Dapat gawin ng mga tao, sa pangunguna ng gobyerno ang positibong aksyon upang protektahan ang kalikasan,” anang gobernador.

 

 

Bukod dito, kasama rin sa programa ng SEPO ang mga aktibidad sa pagpreserba ng kalikasan tulad ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pagtatanim at pagpaparami ng mga puno, mineral hauling checking, quarry site inspection, pagbisita sa mga establisyimento, at iba pang kaugnay na mga aktibidad. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Other News
  • PH Cup kaya ng 60 araw – Marcial

    DADAMIHAN ng mga laro kada linggo para mas mabilis matapos ang ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup.   Isang opsiyon pa ng unang Asia’s pay-for-pay hoop ang magkaroon ng apat hanggang limang araw na laro bawat linggo, isa’y may triple-header pa. Kaya maski masagad ang playoffs, hindi abot ng Enero 2021 ang all-Pilipino […]

  • Dahil sa pag-amin nina James at Issa sa relasyon: YASSI, dawit sa pamba-bash at hate comments ng mga netizens

    MAKATUTULONG kaya o hindi ang pag-amin nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon sa bagong teleserye ni Yassi Pressman sa TV5?     Pati kasi siya ay dawit sa bash at hate comments ng mga netizens na malamang, karamihan dito ay mga tagahanga ng dating magka-loveteam real and reel na sina Nadine Lustre […]

  • Pagpapalawak sa Victoria container terminal, katibayan ng tagumpay ng mga Filipino sa ibang bansa

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagpapalawak sa Victoria International Container Terminal ay nagpapakita lamang na ang kompanya ng Filipino ay maaaring maging matagumpay kahit pa sa ibang bansa.     ”We are delighted to see that since VICT started operations in 2017, it has grown to become a major player in Melbourne, […]