• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manila Water, public at private sector kapit-bisig sa pagdiriwang sa Earth Day

MAGKASAMANG  ipi­nagdiwang ng Manila Water at mga partners sa public at private sectors ang Earth Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hike at bike para sa kalikasan.

 

 

Ang  Earth Day na ipi­nagdiriwang tuwing April 22 ng bawat taon, ang Manila Water kasama ang kanilang partners ay nagsama sama ulit sa La Mesa Nature Reserve sa Quezon City para sa ikalawang taong pagsasagawa ng Lakbay Kalikasan: Hike and Bike for Nature.

 

 

May 120 participants ang nakiisa sa aktibidad na nagmula sa government at private sectors, hiking at biking enthusiasts gayundin ang publiko na nakiisa sa pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan sa pamamagitan ng pag-adopt at pagmamantine ng mga puno sa loob ng La Mesa Nature Reserve.

 

 

Tampok sa hiking activity ang 4.5 hanggang 6-kilo­meter trail sa biodiversity sa loob ng La Mesa Nature Reserve habang ang biking activity ng mga cyclists ay sa scenic 9-kilometer trail ng  watershed area.

 

 

Ang aktibidad ay bahagi ng hakbang ng Manila Water para sa pagpapanatili ng kanilang operasyon. Layunin ng Manila Water na maibsan ang environmental degradation sa pamamagitan ng pangangalaga sa likas na yaman at panganga­laga sa watershed areas at responsableng paglilinis ng raw water at wastewater at iba pa.

 

 

Dahil sa maayos na paggamit ng natural resources at materyales, ang Manila Water ay nanatiling may  lowest ave­rage NRW levels sa lahat ng mga bansa sa Asya na may rate na 12.69% noong 022. Ang kumpanya ay naka recover ng 1.083 million cubic meters (mcm) backwash sa pamamagitan ng Water Efficiency Program. (Daris Jose)

Other News
  • ‘The world is on the brink of a catastrophic moral failure’ – WHO

    Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na nahaharap ngayon ang mundo sa kabiguan kung hindi maisagawa ang pantay-pantay na pamamahagi ng COVID-19 vaccines.   Ginawa ni Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director-general ng World Health Organization (WHO) ang babala kasabay ng WHO executive board session.   Ayon kay Dr. Tedros sa ngayon nasa 39 million vaccine […]

  • Tulfo, ipinag-utos ang paglikha ng IRR para sa solo parents welfare act

    IPINAG-UTOS ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang pagbalangkas at pagbuo ng  implementing rules and regulations (IRR) para patakbuhin o maging operasyonal ang Expanded Solo Parents Welfare Act.     Sinabi ng Kalihim na binuo ang  technical working group (TWG) para mag- draft ng  IRR ng bagong batas na magbibigay […]

  • Na-promote bilang 2nd Lieutenant ng Reserve Force: ROCCO, layong maka-inspire ng mga kabataan na mag-enlist din sa AFP

    PROUD si Rocco Nacino sa bago niyang responsibilidad matapos ma-promote bilang Second Lieutenant ng Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines.     Sa kanyang Instagram, sinabi ni Rocco na magsisilbi siyang Second Lieutenant ng Nurse Corps, Civil Military Affair Brigade ng AFP Reserve Command.     “Today I accepted the challenge of wearing […]