• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time na gumanap bilang isang bampira: ARA, ‘bininyagan’ ang apat na baguhang hunks

MASASABING si Ara Mina ang “nagbinyag” (pagdating sa acting) sa apat na mga baguhang bida na kasama niya sa pelikulang ‘Losers-1 Suckers- 0’ na streaming ngayon sa AQ Prime app.
Ang nasabing mga baguhan ay sina Jayden Bravo, Khiester Bernardino, Charles Temones at Bench Manalon.
“Well, ako naman talagang nakakatuwa kasi yung mga baguhan very supportive naman ako sa mga baguhan and lalo na nung first time na na-meet ko sila.
“At first naiilang sila pero I see to it na maging kumportable sila sa akin para hindi sila mailang.
“And I give some tips… kasi hindi naman kami masyadong matagal magkasama sa shooting and iyon, sabi ko basta kakayanin naman nila yan.
“And napanood naman natin talagang they have the potential pagdating sa akting.
“At tsaka actually normal na normal nga yung acting nila e, hindi yung talagang masasabing mong inakting.”
Sa pelikula ay unang beses gumanap ni Ara bilang isang bampira.
“Ang hirap magsalita, ang ganda ng ngipin, yung pangil,” pagbibiro ni Ara tungkol sa kanyang vampire prosthetics.
“Pero sa tagal ko sa industry ngayon lang ako naging vampire kasi naging taong ibon na ako, naging sirena na ako, so ngayon vampire.”
Gumanap sa GMA bilang taong-ibong si Vultra sa Mulawin noong 2004 si Ara at bilang sirenang si Dyesebel naman sa Darna ni Angel Locsin noong 2005.
“Na-excite ako nung sinabing vampire ako kasi talagang nanood ako before ng Interview With The Vampire.”
Tampok rin sa pelikula sina Yana Fuentes at Marcus Madrigal, sa direksyon ni Niokz Arcega.

Hiningan naman ng opinion si Ara tungkol sa future ng mga baguhang co-stars niya sa Loser-1 Suckers- 0.

 

“Actually tama si direk, kasi yung mga panahon nila Janno Gibbs, Ogie [Alcasid], ganyan, mga matitinik sa chicks, pero comedian, magaling umarte, wala ngayon sa generation ngayon.

 

“Kasi parang puro ngayon papogian, pa-hunk, pa-macho-han, di ba?

 

“So iyon yung wala sa generation ngayon which is talagang may potential ‘tong mga boys dito.

 

“So good luck, good luck boys, basta huwag lalaki ang ulo niyo,”

 

mensahe pa ni Ara kina Jayden, Khiester, Charles at Bench.

 

Samantala, mukhang sunud-sunod ang paggawa ni Ara ng pelikula; kakatapos lamang rin niya ng isang pelikula kasama si Ai Ai delas Alas at may isa pa siyang pelikula sa AQ Prime, ang Katok na isa ring horror film.

 

“Actually parang nalilinya ako sa horror kasi I’m doing another one also, yung Poon with Janice de Belen, Lotlot de Leon, Jaclyn  Jose, with direk Adolf [Alix, Jr.]”
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • DMW, DFA at OWWA, sanib-puwersa sa pagpapauwi sa mga OFWs na naipit na sa tumataas na tensyon sa Lebanon

    SANIB-PUWERSA ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pag-monitor para tiyakin ang ligtas na pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa tumataas na tensyon sa Lebanon.     Kamakailan lamang ay iniulat ng Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut ang pagbomba […]

  • Allotment releases sa pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno ngayong 2023, mahigit 50%- DBM

    PUMALO na sa  56. 4% na ng kabuuang 2023 national budget ang naipamahagi ng Department of Budget and Management (DBM) sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.     Sa katunayan, “as of January 31” , mula sa 5. 27 triilion pesos na pambansang pondo ay nasa 2. 97 trilyong piso na ang naipamahagi.     […]

  • Galvez: COVID-19 vaccination sa Pilipinas posibleng magsimula sa May 2021

    BUMUBUO na raw ng national vaccine roadmap ang hanay ni Sec. Carlito Galvez Jr. kasunod ng kanyang appointment bilang Vaccine Czar.   “Sa ngayon ang pinaka- importanteng ginagawa namin ay magkaroon tayo ng Philippine national vaccine roadmap. Bubuo tayo ng core group para maayos ang organisasyon from national to local government,” ani Galvez sa Laging […]