• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Humanga ang mga netizens sa ginawa: INA, nakipagsabayan kay MICHAEL at ‘di nagpatalo sa sakit

IBA rin ang professionalism at pagmamahal sa trabaho ni Kapuso actress Ina Feleo.  

 

 

Gumaganap si Ina bilang isang mahusay na coach ng figure ice skating sa first ice skating serye on TV, ang “Hearts on Ice” na tampok si Ashley Ortega na isa ring figure skater bago siya nag-artista, at si Xian Lim, na nag-aral din ng figure skating for the serye.

 

 

Nag-post si Ina sa kanyang Instagram ng “the other day I filmed a solo dance sequence for our serye, “Hearts on Ice.”   My mom (director Laurice Guillen) came directly from her taping in Pampanga all the way to Mall of Asia, to be with me.  It brought so much feelings back memories of my childhood ambition and dreams. Daddy (Johnny Delgado) taking me to the rink everyday, mom buying me jackets from surplus shop because at that time that was all we could afford and I was very happy.” Pero hindi na naipagpatuloy ni Ina ang figure skating dahil na-diagnose siya with disc bulge, na apektado ang kanyang lower back.  Kaya hindi na siya pwedeng magbuhat at mag-exercise ng mabibigat.  Pero nang i-offer kay Ina ang role, hindi siya nag-second thought.

 

 

Kaya nang sinabing magkakaroon siya ng eksenang makakasama niya si Olympic figure ice skater na si Michael Martinez, hindi siya nagpatalo sa kanyang sakit, uminom siya ng mga painkillers para hindi niya maramdaman ang sakit ng likod niya.

 

 

Humanga sa kanya ang mga netizens at pinuri ang ginawa niya, nagpasalamat si Ina at nangakong magpapagaling siya kapag natapos na ang teleserye.

 

 

Nagpasalamat din si Ina sa viewers dahil gabi-gabing nagri-rate ang “Hearts on Ice” 8:50PM sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

MARAMING humanga sa mag-sweetheart na Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, na sa paborito nilang carinderia sila nag-celebrate ng kanilang monthsary.

 

 

May mga nakakita sa dalawa sa Aling Tenyang’s Carinderia in Sampaloc, Manila.  Pinost din ito ni Rabiya sa kanyang TikTok habang kumakain siya ng lugar, si Jeric, ng pares, at may lumpia at tokwa’t baboy din sila. Caption ni Rabiya: “sulit ang P 177.00 namin, enjoy at busog na busog kami.  Simple thing can be special when you have the right person in your side.”  Hindi raw iyon ang first time na kumain sila ni Jeric doon.

 

 

Last two weeks na lamang mapapanood si Jeric sa primetime series nila nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Vin Abrenica and Sanya Lopez, ang “Mga Lihim ni Urduja” sa GMA-7.

 

 

Si Rabiya naman ay tuluy-tuloy na ang taping ng “Royal Blood” with Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na malapit na ring mapanood sa GMA Telebabad.

 

 

***

 

 

MUKHANG maglalagare sa taping si Xian Lim, ngayong magiging dalawa ang kanyang tatapusing teleserye sa GMA-7, isa nga ang “Hearts On Ice” with Ashley Ortega.

 

 

At balita na ngang pwede nang magbalik sa taping si Kapuso actress Jennylyn Mercado para tapusin ang nasimulan na nilang teleserye ni Xian, ang “Love. Die. Repeat.”  Matatandaang nangangalahati na sila sa taping ng serye nang malaman ni Jennylyn na she’s pregnant na sa kanilang baby ni Dennis Trillo.  Naging maingat si Jennylyn sa pregnancy niya kaya pansamantalang nahinto na muna ang taping nila.

 

 

Dennis and Jennylyn’s daughter Dylan Jayde is now one year old, kaya pwede nang bumalik sa trabaho ang Mommy Jen niya.  They celebrated her birthday the other day sa vacation house nila in Tanay, Rizal, with brothers Calix and Alex Jazz, and guests.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • DOTr: Subway Project 26% complete

    Inihayag ng Department of Transportation na ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay may overall na 26 % ng kumpleto kung saan inaasahang magkakaron ng kumpletong operasyon sa third quarter ng taong 2027.       “The 2027 includes a two-year project liability period, or when the contractor is allowed to remedy defects after the […]

  • NAKA-HEIGHTENED ALERT DAHIL SA DELTA VARIANT

    SINABI  ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na lahat ay naka-heightened alert ngayon dahil sa banta ng Delta variant.     Kaugnay nito, binibigyan diin ng DOH ang direktiba  ng IATF pagdating sa Cebu dahil nais lamang aniya ng gobyerno na makontrol ang lalo pang pagpasok ng double mutant variant .     ” Lahat […]

  • Medical, nursing students, makikiisa sa vaccination efforts ng gobyerno

    SINABI ni National Task Force Against Covid-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa na may mga senior medical at nursing students ang makikiisa upang maging kabahagi ng Covid-19 vaccination rollout efforts ng pamahalaan bilang volunteer vaccinators.   Aniya, nakatakdang mag-sign up ang mga ito upang maging volunteer vaccinators.   Sinabi ni Herbosa na ang pagkuha ng […]