• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 most wanted persons, timbog sa Caloocan

NALAMBAT ng pulisya ang dalawang most wanted persons sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-6:30 ng hapon ng magsagawa ng pagsisilbi ng arrest warrant ang mga tauhan ng IDMS – Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera kontra sa isang MWP sa Senate Ave., Senate Village Phase1, Brgy. 173.

 

 

Sa bisa ng dalang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 1 noong April 17, 2023 para sa kasong Lascivious Conduct under Sec. 5 ( b ) of R.A. 7610 (2 counts) ay inaresto ng mga tauhan ng WSS ang akusadong si Ramil Sibulan alyas “Ate Camille”, 49, sa nasabing lugr malapit sa kanyang bahay.

 

 

Nauna rito, nasakote naman ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Robert Sales sa ikinasang manhunt operation alas-11:30 ng umaga ang isa pang MWP na kinilala bilang si Mary Rose Sadongdong alyas “Mei-mei”, 22, Frozen Goods Distributions at residente ng 158 William Shaw Brgy. 86.

 

 

Ani Lt Col. Sales, si Sadongdong ay inaresto ng kanyang mga tauhan sa bisa warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 74 noong November 23, 2021 para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002- Possession of Dangerous Drugs (RA 9165 Art. II Sec. 11).

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, ang DSOU at Caloocan CPS sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang MWP. (Richard Mesa)

Other News
  • DOMINIC, sinorpresa si BEA ng isang brown-haired Poodle puppy

    SINORPRESA ni Dominic Roque ang girlfriend na si Bea Alonzo sa nakaraang birthday nito ng isang brown-haired Poodle puppy.     Isang fur mom kasi si Bea at alam ni Dominic na matutuwa ito sa kanyang niregalong puppy dog.     Sa Instagram Stories ni Bea, pinost niya ang bago niyang fur baby at humingi […]

  • Ibang ‘Manalo’ ang nagwagi sa Miss Universe PH: CHELSEA, nanggulat at kinabog ang early favorite na si AHTISA

    DUMAGUNDONG ang buong Mall of Asia Arena, Miyerkules ng gabi, nang tawagin ang Quezon Province bilang second runner sa Miss Universe Philippines 2024.       Early favorite kasi si Ahtisa Manalo ng naturang lalawigan bilang bagong kandidata sana ng Pilipinas sa Miss Universe na gaganapin sa Mexico late this year.         […]

  • Luke 2:11

    A Savior has been born for you.