• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Priority pa rin ang pamilya kesa sa pag-aartista: ELLEN, wish pa rin na magka-baby girl para tapos na ang ‘boxing’

FIVE years old na si Elias Cruz ngayon, ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, kaya gusto na raw ng aktres na magkaroon sila ng anak ni Derek Ramsay.

 

Sa grand opening ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center kahapon sa Ore Central Building, BGC, inamin ni Ellen na wish pa rin niya na magkaroon ng baby girl.

 

“Well sana, girl talaga, para tapos na ang boxing,” say ng seksi pa ring aktres.

 

Sa ngayon, priority pa rin ni Ellen ang kanyang pamilya at wala pang kabalak-balak bumalik sa showbiz.

 

Mukhang gusto pa rin ni Ellen na personal na maalagaan ang panganay na anak at masubaybayan ang kanyang paglaki at mukhang two years pa ang ilalaan bago mag-balik showbiz.

 

Sobrang happy rin ang married life nila ni Derek, plus ang bonding ng asawa at ni Elias. At hindi rin naman nagpapabaya si John Lloyd, sa co-parenting nila sa kanilang anak.

 

So, nasa magandang lugar ang lahat, at parang wala namang mahihiling pa si Ellen, kundi magpasalamat.

 

Say pa niya, “right now, very peaceful, and balance. The life that I have now, is the life that I always want to achieve.”

 

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Ellen sa 6-minute ZPrime LASIK eye surgery na ginawa ng Shinagawa Lasik & Aesthetics Center na kung saan na-restore ang kanyang 20/20 vision.

 

Ayon sa naging pahayag ni Ellen, “I feel so great. The whole procedure was painless and I was surprised that I didn’t feel anything at all!”

 

“Watch my video and see how Shinagawa Lasik Center made a miracle out of my poor eyesight!” caption pa niya sa video pinosted sa kanyang social media accounts.

 

At dahil sa demands and needs sa healthcare, nag-o-offer na ngayon ang Shinagawa ng comprehensive Japanese-standard healthcare services sa kanilang specialized facility sa kaka-open pa lang na Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center.

 

“The global Covid-19 pandemic has changed the people’s market mindset when it comes to healthcare,” obserbasyon ni Shinagawa PH President Masako Uemori.

 

“Filipinos, for example, are now more concious of their health embracing the benefits of preventive healthcare. We saw this as an opputunity to offer more healthcare services in addition to our existing eye and aesthetics services.”
Dagdag pa ni Uemori, “Shinagawa’s commitment of ‘health and well-being for all’ is aligned with our continous expansions and innovations by providing Filipinos with diagnostic and preventive care.”

 

Matatagpuan ang center sa 8th floor at 23rd floor ng Ore Central Building, 9th Ave. cor. 31st St., BGC, Taguig City. Bukas ito Mondays to Saturdays mula 8am hanggang 5pm.

 

Para sa mga interesadong i-avail ang kanilang services bisitahin lang ang kanilang official website www.shinagawa-healthcare.ph.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Lilo at Koa, tumutulong na sa mga gawaing bahay: ANDI, pinuri ng netizens sa pagpapalaki nila ni PHILMAR sa mga anak

    TAPOS nang gawin ng premyadong aktres Gladys Reyes ang pelikang ‘And The Breadwinner Is’.   Ito ay entry ng Star Cinema at Idea First para sa Metro Manila Film Festival sa taong ito.   Happy si Gladys dahil tiyak makakasama siya sa parade of stars sa MMFF na ngayon pa lang ay hinuhulaan na maging […]

  • 3 Pinoy pa nananatili sa Gaza

    TATLONG Filipino pa ang nananatili sa Gaza kabilang ang mag-ama na nasa ospital.     Umaasa naman si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa panayam ng ANC na mabibigyan ng pantay na proteksyon at tulong ang lahat ng residente ng Gaza maging ang kanilang foreign nationals.     Nagpahayag din ng […]

  • Enrile, gustong ideklarang persona non grata ang ICC

    SINABI ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi dapat payagan na makapasok ng bansa ang International Criminal Court (ICC) probers para magsagawa ng pormal na imbestigasyon hinggil sa kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.   “Pag punta dito, dapat wag papasukin sa bansa. Prevent him. The Immigration must not allow him […]