• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang divorce law umani ng iba’t ibang opinyon mula sa publiko

UMANI  ng iba’t ibang reaksyon ang panukalang divorce law mula sa publiko, ang usaping ito kasi ay nais na muling buksan sa Kamara bilang pagpapahalaga sa well-being ng mga manggagawa maging sa labas ng kanilang trabaho.
Sa pamamagitan ng House Bill 4998 o ang Absolute Divorce Act of 2022, itinutulak nito ang pagsasabatas ng divorce law.
Ayon pa kay Davao Del Norte 1st District Rep. Bebot Alvarez, mayroong karapatan ang bawat indibidwal na umalis sa relasyong hindi na maganda para sa kanilang kalusugan mapa mental o physical health.
Ngunit ayon sa ating mga nakapanayam, hindi umano sila pabor sa panukalang batas na ito dahil tayo ay nasa Pilipinas.
Sinabi pa ni Girlie Gonzales na kawawa umano ang mga anak na maghihirap kung sakali mang maghihiwalay ang mag asawa.
Pareho naman ang naging stand ni Dong Luz, aniya hindi siya pabor sa panukalang divorce dahil ang nakasanayan raw ng mga Pinoy ay buo ang pamilya, iba naman raw tayo sa ibang mga lahi.
Other News
  • 2 drug suspects tiklo sa P272K shabu sa Caloocan

    DALAWANG umano’y listed drug personalities, kabilang ang 51-anyos na ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng nasa P272,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City.     Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang naarestong mga suspek bilang sina Nora Eleazar, 51 at Jayson Villahermosa, 34, […]

  • Job 19:26

    TI shall see God.

  • Biglaan lang ang nangyari nang sila’y magkabalikan: KRISTOFFER, inamin na wala pa sa isipan na pakasalan ang longtime gf na si AC

    INAMIN ni Kristoffer Martin na wala pa sa isipan niya ang magpakasal sa kanyang longtime girlfriend na si AC Banzon.     Pero dahil sa naging balikan nila, ayaw na raw niyang maghiwalay sila kaya naganap ang isang civil wedding noong nakaraang February 3.     “Kami ni AC, we’ve been together for eight years […]