Pagsasanay ng mga atleta na kasali sa 2021 Tokyo Olympics, maaari nang mag-resume- Sec. Roque
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
MAAARI nang mag-resume ng pagsasanay ang mga atleta na makikipaglaban o makikipagkumpetensiya sa 2021 Tokyo Olympics.
Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay sa pamamagitan ng bubble set-up upang masiguro na ligtas sila sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Sec. Roque na araw ng Lunes nang pumayag ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa request ng Philippine Olympic Committee kaugnay sa pagpapatuloy ng pagsasanay.
“[T]he conduct of the training in a ‘bubble-type’ setting shall be made in coordination with the Regional Task Force where the training shall be conducted and the local government unit with the jurisdiction of the proposed venue,” ang nakasaad sa resolusyon ng IATF.
Ang 32nd Summer Olympics ay itinakda para ngayong taon subalit inilipat ng Hulyo 2021 dahil sa pandemiya.
Noong Setyembre, sinabi ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga sa United Nations General Assembly na ang kanyang bansa ay determinado na mag-host sa Tokyo Olympic and Paralympic Games “as proof that humanity has defeated the pandemic.”
Sinasabing wala pang gamot sa COVID-19, subalit ang mga bansang gaya ng United Kingdom, Canada at United States ay inaprubahan ang paggamit ng Pfizer-BioNTech’s experimental vaccine. (Daris Jose)
-
Ka-join na rin ang mag-ama sa leading e-commerce platform: MARIAN, madaling na-convince si ZIA na magpabakuna dahil sa face-to-face class
NAGING madali para sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na i-convince ang anak nilang si Zia Dantes, na walang arte at matapang na magpabakuna. Kaya last Monday (Feb. 28), fully vaxx na nga ang anak nila. Sa post ng kanyang Daddy Dong, “It’s ate Z’s second shot today and we […]
-
May dinelete sa conversation para palabasing may affair: BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB
May dinelete sa conversation para palabasing may affair: BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB NAGSALITA na si Bianca Manalo tungkol sa kinasangkutan niyang kontrobersya kasama ang co-star niya sa teleserye na ‘Magandang Dilag’ na si Rob Gomez. Kumalat kamakailan sa social media ang conversation nila diumano ni Rob at parang lumalabas na […]
-
‘No CCTV, no business permit policy’ dapat ipatupad ng LGUs sa mga establisyemento – DILG
HINIMOK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magpasa ng ordinansa para iobliga ang mga business establishment na mag-install ng closed-circuit television (CCTV) systems bago ang isyuhan ng business permits o ang “No CCTV, no business permit policy.” Partikular na tinukoy ng DILG na […]