• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Largest deal in history: Antetokounmpo, pumirma ng 5-yr supermax $228-M contract sa Bucks

Nag-trending sa buong mundo ang kumpirmasyon ng Milwaukee Bucks na pumirma na sa limang taon na kontrata ang superstar na si Giannis Antetokounmpo na nagkakahalaga ng $228 million.

 

Ang nakakalulang presyo ni Giannins ay tinagurian sa NBA na supermax at pinakamalaki sa kasaysayan.

 

Kaugnay nito sa kanyang statement, todo pasalamat ang NBA’s reigning two-time Most Valuable Player.

 

Masaya raw siya na magiging bahagi ng Milwaukee sa loob ng limang taon at itutuloy ang kampanya na makasungkit ng kampeonato sa hinaharap.

 

“This is my home, this is my city.. I’m blessed to be able to be a part of the Milwaukee Bucks for the next 5 years. Let’s make these years count. The show goes on, let’s get it,” ani Giannis sa social media.

Other News
  • Hindi na ‘pichi-pichi’ ang mga kalaban sa SEAG- Barrios

    NAKITA sa nakaraang 31st Southeast Asian Games na hindi na basta-basta ang mga kalaban ng Gilas Pilipinas.     Yumukod ang mga Pinoy cagers sa Indonesia, 81-85, sa gold medal round ng Vietnam SEA Games kung saan nagwakas ang 13 sunod na paghahari ng Pilipinas at ang 33 taong pagdomina sa biennial event.     […]

  • 40 na bagong sasakyan ng PCSO, binasbasan sa Maynila

    Binasbasan ng isang pari ang 40 pirasong bagong yunit ng mga sasakyan na ibibigay sa iba’t ibang mga (LGU) mula sa tanggapan ng PCSO sa San Marcelino sa Maynila sa pagsisikap na mapagbuti ang agarang pagtugon ng mga serbisyong pang-emergency sa publiko.   Nagkakahalaga ng P1.5 milyong piso bawat isa, idinagdag ni PCSO Chairman Royina […]

  • Konstruksyon ng MRT -7 sa Kyusi pinahinto

    PINAHINTO ni QC Mayor Joy Belmonte ang construction ng MRT-7 sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle (QCMC), dahil sa banta na posibleng humina ang pundasyon ng naturang park.   Bukod dito ay may banta umano na posibleng masira ang isang sikat na heritage park told ng QCMC na maituturing na mukha ng Kyusi.   […]