• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matandang dalaga kulong sa P340K shabu sa Caloocan

ISANG 39-anyos na dalaga na itinuturing bilang isang high value individual (HVI) ang dumayo pa umano para magbenta ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Asliah Sambitory, 39 ng Putok 1, Mangohig Street, Calapacuan Subic Zambales.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police na nagbebenta umano ng shabu ang suspek.

 

 

Kasama ang Intelligence Section sa pangunguna ni PMAJ John David Chua at 3rd MFC, RMFB, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Ronald Allan Soriano ang joint buy bust operation sa Sta Rita St., Brgy. 188 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong ala-1:10 ng madaling araw.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa suspek ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P340,000, 00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 64-pirasong P1,000 boodle money at brown envelope.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Peñones ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang masigasig na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • PLASTIC CRISIS TINALAKAY NG UN SA FRANCE, QC MAYOR BELMONTE KUMATAWAN SA MGA CITY MAYORS AND LEADERS

    KINATAWAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mayor at city leaders sa buong mundo sa isinagawang high-level event ng United Nations Treaty on Plastic Pollution sa Paris, France na pinangasiwaan ng French Government at United Nations Environment Programme.     Sinabi ng alkalde kung gaano kahalaga na mapakinggan ang bawat sentimiyento ng mga […]

  • 7.4 magnitude na lindol yumanig sa Surigao del Sur

    PATAY ang isang ina habang sugatan naman ang mister nito at anak sa Tagum City, Davao del Norte matapos ang magnitude 7.4 lindol na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur Sabado ng gabi.     Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Joy Gemarino ng Brgy. La Filipina Tagum City, Davao del Norte na […]

  • Gobyerno, nakakolekta ng mahigit sa P200B mula sa tax reform

    SINABI ng  Department of Finance (DOF) na nakakolekta ang gobyerno ng P202.8 bilyong piso na karagdagang kita noong 2002 mula nang ipatupad  ang Comprehensive Tax Reform Program (CTRP).     Ayon sa DoF, ang kabuuang koleksyon noong nakaraang taon ay mataas sa 26.3% mula sa P160.5 bilyong kita noong  2021.     Sinabi ni Finance […]