• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US global firms, nag-commit ng malaking investments sa Pilipinas

NAGING produktibo ang pangalawang araw ng opisyal na pagbisita ni  Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos, araw ng Martes (Wednesday Philippine time) matapos na makakuha ng  commitments o pangako mula sa American global firms  sa  panahon ng eight back-to-back meetings sa  kalahating araw pa lamang.

 

 

Bilang bahagi ng kanyang  official trip sa Estados Unidos, ang mga pulong na idinaos sa Blair House sa Washington D.C. kung saan umupo si Pangulong Marcos at nakipag-usap sa iba’t ibang  business leaders ay may  layuning umakit ng mas maraming mamumuhunan sa Pilipinas.

 

 

Sa kabilang dako, kasama ni Pangulong Marcos ang kanyang official Philippine delegation, nagsimula ang kanyang  business meeting  ng alas-1:45  ng hapon kasama ang mga prominenteng Filipino at American businessmen, Ang United States-Philippines Society, co-chair ni dating  `US Ambassador John D. Negroponte,  ang isa sa nagpahayag ng kanyang pangako ng “greater cooperation and partnership” sa development ng Philippine economy.

 

 

“(The) President’s visit… sets the table for our work, of US-Philippine Society (USPS) in the months and years ahead, thank you for that,” ang sinabi ni Negroponte kay Pangulong Marcos.

 

 

Kilala rin bilang The Society, ang USPS ay isang non-profit, bi-national organization ng prominenteng  civic at business leaders ng Amerika at Pilipinas.

 

 

Ang Negroponte, ang tumatayong co-chairs ng The Society ng  prominenteng Filipino businessman na si Manuel V. Pangilinan.

 

 

Ang Society ay inorganisa noong May 2012 na may layuning palakasin at palakihin ang kamalayan ng profile ng Pilipinas sa Estados Unidos  sa larangan ng “security, trade, investments, tourism, environment, history, education and culture.”

 

 

Ang  grupo ay  “strong partner” ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. sa pag-organisa ng  mga event na nagbibigay-diin  sa matatag at malakas na relasyon sa pagitan ng  Pilipinas at Estados Unidos  para sa  pag-promote ng “security, economic, cultural and social interests.”

 

 

Nakipagpulong din ang Pangulo kay John Padget, pangulo at CEO ng Carnival Corp.,  na nagsabi sa Pangulo na ang kanyang  group of companies ay magha-hire ng  75,000 Filipino seafarers sa susunod na tatlo hanggang apat na taon.

 

 

Nakipagpulong din ang Pangulo sa  mga opisyal ng Moderna, isang  global shared service facility na sumuri sa matinding epekto  ng  medications/vaccines, alas- 3 ng hapon.

 

 

Sinabi ng Moderna executives sa Pangulo na plano nilang magtatag ng “shared service facility” sa Pilipinas  na makakapag-cater sa  Asia-Pacific region.

 

 

Kapwa naman sinabi nina Moderna Chief Commercial Officer Arpa Garay at  Senior Vice President at General Manager Patrick Bergstedt  na “they are set to establish a “Shared Service Facility for Pharmacovigilance” para makapagbigay ng mas maraming employment opportunities sa mga  health professionals sa bansa.

 

 

Binigyang diin ni Garay ang matagumpay na  public-private partnership sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moderna na kapuwa nais pa nilang palawakin.

 

 

Matapos makipagpulong sa Moderna,  nakipagpulong mana ang Pangulo sa  mga opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation,isang  US-based global leader at vertical integrator ng “nuclear technologies and services.”

 

 

Matapos ito ay nakipagpulong naman ang PAngulo sa  business process outsourcing (BPO) company Atento, planong magtayo ng kauna-unahang  call center sa Pilipinas sa Iloilo Business Park sa Mandurriao district, Iloilo City.

 

 

Alas-5 ng hapon ay nakipagpulong naman kay Pangulong Marcos ang mga opisyal ng Solar firm Maxeon, isang  global leader sa solar technology at innovation. Sinabi ng opisyal ng Solar firm Maxeon na tinitingnan nila na mamuhunan  ng USD900 million sa  solar energy sa Pilipinas, hangarin na isulong na palawakin ang knailang operasyon sa bansa.

 

 

Sinabi ni Bill Mulligan, CEO ng  Maxeon  na nago-operate ng SunPower brand sa lahat ng global markets kabilang na ang  Maxeon brand sa Estados Unidos, Canada at Japan,  na ang  investment ay makapagbibigay ng  mahigit sa 3,000 trabaho sa susunod na mga taon.

 

 

Matapos ang pakikipagpulong sa Maxeon,  nakipagpulong naman ang Pangulo sa opisyal ng  Analog Devices Inc., isang global semiconductor leader na gumagamit ng Intelligent Edge, para mas palaksin at palawigin ang kanilang operasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng unibersidad at akademiya.

 

 

Samantala, kabilang sa mga miyembro ng opisyal na delegasyon ng Pilipinas sa  business meetings  ay sina dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Speaker Martin Romualdez, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual at Presidential Communications Office (PCO) Secretary Atty. Cheloy Garafil.

 

 

Kasama rin sina Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto Lagdameo Jr., Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez at DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo sa nasabing pulong. (Daris Jose)

Other News
  • LTFRB: Walang consolidation, walang prangkisa ang jeepneys, UV Express

    ISANG memorandum ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naglalaman kung saan ang mga operators ng traditional jeepneys, UV Express at multicabs ay hindi na papayagan ng mag operate kung  hindi sila lalahok sa isang kooperatiba o magtatayo ng korporasyon.       Binigyang hanggang June 30 ang mga operators na […]

  • Non-essential travel muling sinuspinde

    Muling sinuspinde ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management for Emerging Infectious Diseases ang non-essential travels o mga hindi importanteng biyahe palabas ng bansa.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang kumpanya lamang ang pumayag na magbi­gay ng travel at health insurance na isa sa mga requirements para makalabas ng bansa.   Nais […]

  • MM Mayors, pinayagan ang religious gatherings ng 30% capacity

    SINABI ng Inter-Agency Taks Force (IATF) na pinapayagan ng Metro Manila Council ang religious gatherings sa 30% vanue capacity.   Nauna nang pinayagan ng IATF anag religious gatherings ng 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions.”   Sa kabilang dako, binigyan naman ng diskresyon ang Local Government Units (LGUs) […]