Napag-usapan sa YT vlog ni Camille: ANTOINETTE, magiging proud at ‘di itatago kung totoong may anak
- Published on May 6, 2023
- by @peoplesbalita
SA latest Youtube vlog ni Camille Prats kung saan guest si Antoinette Taus ay napag-usapan ang masasabing “urban legend” tungkol sa dating aktres, sa pagkakaroon umano nito noon ng lihim na anak.
Kahit ilang taon nang hindi active sa show business, aminado si Antoinette na nakatatanggap pa rin siya ng mga tanong tungkol sa naturang tsismis kaya tinalikuran niya ang pagiging isang artista.
“Ang dami talagang hindi makaintindi kung bakit ako umalis. Nung time na ‘yun, ang dami nilang iba’t ibang theories and tsismis. Hanggang ngayon may mga tao pa ring nag-iisip na nagkaroon ako ng kids before, which there’s nothing wrong naman with that.”
Sinabi pa ni Antoinette na kung totoo raw na nagkaroon siya ng anak ay magiging proud pa siya at hindi niya ito itatago.
“My only point is kung mayroon ako, I would be proud of my children and I would share it. Oo nga pala, hindi lang daw isa. Kasi, every time na babalik ako sa States, sinasabi nila magkakaroon na naman daw ako.”
Ipinaliwanag ni Antoinette ang tunay na dahilan kung bakit nanatili siya sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya.
“Grabe, pumunta lang naman ako sa States kasi may pangarap din ako. Actually, what happened was, right after we moved, we also found out na nagkasakit na yung mom ko, cancer.
“So, it kind of became something na, buti na lang din we did. Kasi, we were able to be with her throughout her whole treatment at hindi ‘yung parang we had to move during that difficult time.”
Inamin rin ni Antoinette na nakaranas siya noon ng depression habang siya ay nasa U.S.
“We got to spend yung last eight months talaga with her. That’s really when I kind of stopped doing the work that I was doing na after that, kasi hindi ko na-realize that I went into depression…”
Samantala, abala ngayon si Antoinette bilang humanitarian, UNEP Goodwill Ambassador, at Founder ng non-profit organization na CORA Philippines.
***
SI Kapuso and Sparkle actress Angel Guardian ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang working student na ilang buwang magiging bihag ng rebeldeng grupo sa episode na pinamagatang “The Hostage Girl.”
Gaganap si Angel dito bilang si Judy, isang mag-aaral na nangangarap na makapagtapos.
Para makaipon ng pera na pang-enroll sa susunod na school year, darayo si Judy sa isang malayo at liblib na bayan para magtrabaho. Magsisilbi siya bilang waitress sa isang kainan. Pero mabubulabog ang tahimik na bayan sa pagdating ng isang rebeldeng grupo. Madadakip si Judy bilang isa mga hostage ng grupo at ilang buwan din siyang magiging bihag ng mga ito.
Makakauwi pa ba si Judy para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral?
Abangan ang kakaibang kuwentong ‘yan sa brand new episode na “The Hostage Girl,” May 6, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Karamihan sa mga bida ng 10 entries, hindi nakarating: JUDY ANN at GLADYS, nagkaroon ng reunion sa MMFF grand media con
RAMDAM na ramdam na nga ang 50th Metro Manila Film Festival sa ginanap na grand media and fancon sila para sa sampung official entries sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, noong Biyernes, December 6, 2024. Nagsimula ito sa isang panalangin na pinangunahan ni Ms. Boots Anson Roa-Roa. […]
-
Marawi City, babangon sa ilalim ng termino ni PDu30
“Ang pangako ni President babangon muli ang Marawi sa kanyang termino. The target can be met.” Ito ang tiniyak ng Malakanyang matapos na mawasak ang Marawi City noong 2017 nang magkaroon ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at Maute terrorist group. Muli itong ibabangon ng Pangulo sa ilalim ng kanyang termino. […]
-
Duterte nagbigay-pugay sa mga frontliners ngayong Araw ng Kagitingan
Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan. Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng araw na ito ay mabibigyan tayo ng isang matibay na paalala ng hindi matatawarang determinasyon ng mga Pilipino na […]