• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte nagbigay-pugay sa mga frontliners ngayong Araw ng Kagitingan

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.

 

 

Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng araw na ito ay mabibigyan tayo ng isang matibay na paalala ng hindi matatawarang determinasyon ng mga Pilipino na mangibabaw sa lahat ng uri ng hamon at pagsubok.

 

 

Ayon kay Pangulong Duterte, ang katapangan ng ating mga ninuno na ipinakita sa panahon ng pagtatanggol sa Bataan halos walong dekada na ang nakalipas ay nag-iwan ng katangi-tanging marka sa kasaysayan at humubog ng ating diwa para bumangon sa bawat pagbagsak o pagkakadapa.

 

 

Inihayag ni Pangulong Duterte na habang nagpapatuloy ang bansa na malagpasan ang hamon ng COVID-19 pandemic, hayaang maglaan tayo ng konting sandali para parangalan ang lakas ng loob at dedikasyong ipinamamalas ng ating mga health workers at essential frontliners.

 

 

Ang hindi umanong matatawarang commitment nila sa labang ito ay nagpapakita ng kabayanihan ng ating mga ninuno na nakipaglaban at ipinagtanggol ang Bataan noong mga unang panahon na patuloy na nagbibigay ngayon ng inspirasyon at pagiging makabayan sa panahong gipit ang sitwasyon.

Other News
  • 6 Para athletes lalaban sa gold

    Ipinangako ng anim na miyembro ng Team Philippines na ibibigay ang lahat ng kanilang makakaya para makamit ang kauna-unahang gold medal sa Paralympic Games.     Sasabak sina powerlifter Achelle Guion (powerlifting), taekwondo jin Allain Ganapin (taekwondo), Jerrold Mangliwan at Jeanette Aceveda (athletics), Ernie Gawilan at Gary Bejino (swimming) sa Paralympics sa Tokyo, Japan sa […]

  • Bulacan, pasok sa mas maluwag na Alert Level 2

    LUNGSOD NG MALOLOS- Mas magiging maluwag ang quarantine restrictions sa Lalawigan ng Bulacan sa pagsailalim nito sa Alert Level 2 simula ngayong araw, Pebrero 1 hanggang 15, 2022.       Ayon sa Executive Order no. 5, series of 2022 o “An order adopting the implementation of Alert Level 2 in the Province of Bulacan […]

  • DARREN ESPANTO COVERS “TOP OF THE WORLD” FOR “LYLE, LYLE, CROCODILE”

    COLUMBIA Pictures has just unveiled the video of Asia’s Pop Heartthrob Darren Espanto covering Shawn Mendes’ Top of the World from Lyle, Lyle, Crocodile.  The video is a collaboration with UMUSIC PH to celebrate the release of the movie and the original motion picture soundtrack featuring Shawn Mendes. Top of the World is one of the original songs from […]