• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wish ni PBBM, koronasyon ni King Charles makapagdadala ng kapayapaan kasaganaan at progreso sa UK, Commonwealth

WISH ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na ang koronasyon ng Kanyang Kamahalan King Charles III ay nangangahulugan ng kapayapaan at kasaganaan para sa  United Kingdom at Commonwealth.

 

 

Si Pangulong Marcos ay kabilang sa mga  heads of states na dumalo sa koronasyon ni King Charles III at Kanyang Kamahalan  Queen Camilla sa Westminster Abbey sa nito lamang Mayo 6.

 

 

“It was as grand and magnificent a ceremony as could have been, full of symbolism and weighted by history. It was a great honor for me to represent the Philippines on such a historic occasion,” ayon kay Pangulong Marcos  sa isang kalatas.

 

 

“Filipinos wish His Majesty King Charles III a long and happy reign. May his Coronation signify the start of a new chapter of peace, progress, and prosperity for the United Kingdom and the Commonwealth,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Winika pa ng Chief Executive  na napag-usapan nila ang kanyang ina na si dating Unang GInang Imelda Marcos.

 

 

“He asked after his friend, my mother, former First Lady Imelda Marcos, and recounted fond memories of the time they shared together,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Sa gitna ng koronasyon, binigyang diin ng Pangulo ang  “thriving relationship”  sa pagitan ng Pilipinas at  UK.

 

 

“We underscore the thriving relationship between the Philippines and the United Kingdom, which has been promising in increasing trade, investment, and cultural exchanges for the Filipino people,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 7, 2023

  • Ilang mga hotel sa NCR tatanggap na ng staycation – DOT

    Nasa halos 6,000 na mga kuwarto mula sa 13 staycation hotels sa Natonal Capital Region (NCR) ang binuksan ng Department of Tourism (DOT) para sa mga bisita.     Sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pangunahin pa rin na prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga bisita at tourism workers.   Kanilang na-inspect na […]

  • UFC star Gilbert Burns, gumaling na mula sa COVID-19

    Gumaling na mula sa coronavirus si UFC star Gilbert Burns.   Isinagawa ang pagsusuri sa kaniya matapos ang dalawang linggo ng ito ay magpositibo sa COVID-19.   Nagpost pa ang 34-anyos na UFC star ng test resutl nito sa kaniyang social media account.   Magugunitang tinanggal siya sa laban kay Kamaru Usman matapos magpositibo at […]