• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong Omicron variant na Arcturus, hindi dahilan ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 – expert

BINIGYANG linaw ng isang eksperto na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus variant ang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Sa isang pahayag ay sinabi ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana na walang katotohanan na ito ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.

 

 

Aniya, sa katunayan pa nito ay nag-iisa pa lamang ang nadedetect na Arcturus case sa bansa na naitala noong Abril 26 sa probinsya ng Iloilo at ang tinamaan aniya nito ay asymptomatic at gumaling na rin.

 

 

Dagdag pa ni Salvana, bagama’t ang naturang variant ng Omicron ang naging dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang bansa, ay wala pa aniyang direktang ebidensya ito na nagpapakita na nagdudulot ito ng mas malubhang karamdaman.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay binigyang diin din ni Salvana na nananatili pa ring mabisa ang mga bakunang ginagamit ng bansa laban sa Arcturus variant. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas may silver na

    TUMIYAK ng silver me­dal ang Philippine national beach handball team matapos magposte ng 3-1 record sa 31st Southeast Asian Games kahapon sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam.     Muling tinalo ng mga Pinoy bets ang Thailand, 2-1, sa ikalawa nilang pagtutuos matapos kunin ang 2-0 panalo noong Biyernes.     Ang […]

  • Abalos, hinikayat ang mga residente ng NCR na bumili ng P39/kg. rice sa ‘Super Kadiwa’ stores

    HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na bisitahin ang ‘Super Kadiwa’ centers para makabili ng bigas sa halagang P39/kg. at iba pang abot-kayang “high-quality produce.” “Malaking katipiran po ito para sa ating mga kababayan sa Metro Manila dahil sa […]

  • Efren ‘Bata’ Reyes nag-sorry na dahil sa paglabag sa health protocols

    Nag-sorry na si Billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes matapos ang paglabag sa social distancing ng mga nanood sa kaniyang laro sa San Pedro city, Laguna.     Sa kaniyang sulat sa Games and Amusement Board, na lubos itong humihingi ng paumanhin.     Hindi aniya nito kontrolado ang sitwasyon dahil bigla na lamang dumami ang […]