• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Last year pa dapat, naudlot lang: MATTEO, tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso

#VoltesVLegacyTVPremiere landed at number 1 on the trending lists of Philippine Twitter as fans showered praises on the series during the pilot episode last Monday, May 8.  

 

 

Nakapagtala ito ng combine ratings na 14.6%, na sabay-sabay pinalabas sa GMA, GTV, I Heart Movies at Pinoy  Hits.

 

 

Kaya nagpasalamat ang writer ng live action series, si Ms. Suzette S. Doctolero: “No words can explain how proud I am of GMA and everyone involved in this giant project!

 

 

“GMA proved once again that they are Philippine TV’s Home of Groundbreaking Series!  It’s not just their legacy, but the whole country’s!”

 

 

Comment din ni @christiansantos: “GMA Network’s two monumental series that have significantly transformed the Philippine Television #Maria Clara at Ibarra at #VoltesVLegacy. Proudly Pinoy” Gawang Pinoy! Likhang @SuziDoctolero!”

 

 

***

 

INUMPIRMA na ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda” show na tuloy na ang pagiging Kapuso ni Matteo Guidicelli sa ilalim ng GMA Public Affairs, simula sa Thursday, May 11.

 

 

Sa araw na iyon din pipirma ng kontrata si Matteo sa GMA Network.

 

 

Ibinalita rin ni Boy na magsisimula nang mag-shoot si Matteo ng promo para sa kanyang bagong network.

 

 

Kung matatandaan, last year pa napabalitang mapapanood si Matteo sa early morning show na “Unang Hirit” sa GMA Network, at minsan na rin siyang nag-guest sa isang cooking show sa GMA, pero biglang naudlot.  Pero ngayon, tuloy na sa pagiging Kapuso si Matteo!

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • US Open champ Emma Raducanu, laglag agad sa first match ng Indian Wells

    Agad pinayuko ng Belarusian tennis player na si Aliaksandra Sasnovich ang 2021 US Open champion na si Emma Raducanu sa secound round ng Indian Wells tennis tournament.     Tinalo ng 27-anyos na si Sasnovich ang kampeyon sa score na 6-2, 64.     Nagkaroon ng problema sa accuracy at energy level ang 18-year-old British […]

  • Jordan positibo sa Covid-19

    UNITED STATES – Pakiramdam  ng isang National Basketball Association (NBA) star ay  timaan siya ng malas matapos magpositibo sa novel coronavirus isang buwan bago magsimula ang muling pagbubukas ng liga.   Ayon kay  Brooklyn Nets star DeAndre Jordan na na-diagnosed siya na positibo sa Covid-19 ilang araw bago tumulak papuntang Florida para sumabak sa training camp.   Sinabi ni Jordan malabo na siyang […]

  • PBBM, ipinangalan at muling ipinangalan ang PNP camps, real properties sa mga dating police officers

    IPINANGALAN  at muling ipinangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 8 Philippine National Police (PNP) camps at real properties sa mga dating police officers na nagbigay ng huwarang serbisyo sa bansa at sa mamamayan.     Nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamation Nos. 429 at 430 para sa dahilang ito, ayon sa Presidential Communications Office […]