LAOGAN, BAGONG DEPUTY COMMISSIONER NG BI
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
ITINALAGA sa Bureau of Immigration (BI) si Daniel Y. Laogan bilang bagong Deputy Commissioner.
Si Laogan na isang Abogado by profession ay nagtapos ng Commerce mula sa University of Sto Tomas (UST), kumuha rin ito ng Master of Science in Commerce sa nasabi ring unibersidad at nagtapos ng Abogasya sa Ateneo de Manila University at pumasa sa Bar sa taong 1982.
Bukod sa kanyang mga karanasan sa private ang public sector, nagtrabaho rin ito bilang Regent ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at naging propesor ng law in taxation sa College of Law sa Adamson University.
Dati siyang Director ng Philippine Savings Bank, National Food Authority, at Development Bank of the Philippines. Naging Senior Adviser for Investment and Promotions and Investor Relations sa Manila Economic and Cultural Center.
Bago ang kanyang appointment bilang Deputy Commissioner, siya ay Director ng Philtrust Bank, at Senior Adviser ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. Nagsilbi rin siyang President Emeritus ng Chinese Filipino Business Club, Inc. at Chairman and President ng Addmore Group of Companies, at managing partner siya ng Daniel Y. Laogan Law Offices.
Sa pagkakahirang kay Laogan, na kumpleto na ang tatlong miyembro ng board of commissioners, kabilang ang commissioner at dalawang deputy commissioners na kasalukuyang hawak ni Commissioner Norman Tansingco at Deputy Commissioner Joel Viado. GENE ADSUARA
-
‘BLACKPINK World Tour’ earns rated PG; other films showing this week earn R-13 and R-16 rating
FILIPINO and foreign fans of the iconic Korean pop girl group “BLACKPINK” will experience fun and thrill anew as the group’s concert has earned a PG (Parental Guidance) rating from the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). A PG classification advises parents or supervising adults that the film may […]
-
Debut ni Kai Sotto sa Gilas team nakatakda na sa Feb. 18 vs Korea
Plantsado na ang debut ng 7-footer na si Kai Sotto sa seniors team ng Gilas Pilipinas matapos ianunsyo ngayon ng FIBA ang full schedule ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Al-Gharafa Sports Club Multipurpose Hall sa Doha, Qatar. Unang makakalaban ng Pilipinas sa third window ng torneyo ang mahigpit na […]
-
Lee maangas ang workout, sasabay pa rin sa mga bata
PAMBIHIRA magpakondisyon sa ngayon si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Dalistan Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok. Pinagpepreparahan ng 31-anyos, 6-0 ang taas na Angas ng Tondo ang 46th PBA 2021 Philippine Cup na balak umpisahan sa darating na Abril 9 makaraan ang Online 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14. […]