• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 timbog sa halos P1 milyon shabu

LIMANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong babae ang arestado matapos makuhanan ng halos P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Malabon cities, kahapon ng madaling araw.

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong 2 ng madaling araw nang madamba ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquitan si Rachel Carlos, 44, Kristine Torres, 42, Erica Penalosa, 31 at Estilito Berlos, Jr. 49, matapos bentahan ng P5,000 halaga  ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Blk 1 Pampano St. Phase 2 Area 3, Brgy. Longos, Malabon city.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 75 gramo ng shabu na tinatayang nasa P516,800.00 ang halaga, marked money at isang apple brand cellular phone.

 

Nauna rito, alas-12:30 ng madaling araw nang masakote din ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni Capt. Aquiatan ang “Commando Gang” member na si Marlon Calimlim, 44, sa buy-bust operation sa loob ng kanyang bahay sa 119 Int. 1 4th Avenue, West Grace Park, Brgy. 49, Caloocan city.

 

Ani BGen. Cruz, si Calimlim ay kabilang sa police drug watch list kung saan mahigit isang linggo itong isinailalim sa surveillance ng mga operatiba ng DDEU.

 

Narekober sa suspek ang P1000 marked money, cellphone at asul na pouch na naglalaman ng humigit kumulang sa 61 gramo ng shabu na tinatayang nasa P414,800 ang halaga.

 

Pinuri naman ni BGen. Cruz si Capt. Aquiatan at kanyang mga tauhan sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Na-trigger sa comment ng netizen sa pagla-like ng ‘cheating post’: CARLA, ibinuhos na ang lahat ng galit pero nanahimik lang si TOM na durog na durog

    TAHIMIK pa rin ang actor na si Tom Rodriguez sa mga pinakawalang statement ng actress na si Carla Abellana laban sa kanya.       Napakahaba nang naging statement ni Carla bilang sagot sa isang netizen sa kanyang Youtube vlog. Ang comment ng netizen ay ang tungkol sa pagla-like ni Carla sa “cheating” post ni […]

  • ECQ SA NCR PALALAWIGIN O HINDI, MAAGA PANG PAG-USAPAN

    SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III  na masyado pang maaga para pag-usapan kung palalawigin o hindi ang Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa National Capital Region (NCR).     Sa isang panayam, binigyan diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards matapos na sumirit ang bagong kaso ng  mahigit 12,000 nitong […]

  • Navotas nagbigay ng mga computers, 200K cash sa mga guro

    Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga computers at gave away na P200,000 cash prizes sa mga public at private school teachers sa selebrasyon ng Navotas Teachers Day.   Nasa 123 master teachers ang nakatanggap ng laptop computers at 24 public elementary at high schools naman ang nakakuha bawat isa ng desktop unit each. […]