Pagbabagong-bihis sa gabinete ni PBBM, nagbabadya matapos ang appointment ban
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAHIWATIG na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng bagong-bihis ang kanyang gabinete sa oras na matapos na ang appointment ban sa mga talunang kandidato na tumakbo noong nakaraang eleksyon sa bansa.
Nakatakda kasing magtapos ang appointment ban sa Mayo 9, 2023.
Inamin ng Pangulo na masigasig siyang magtalaga ng ilang indibidwal sa ilang posisyon na hindi na sakop ng prohibisyon.
“Marami. Talagang gagamitin mo ‘yung one year. Asahan niyo ‘yun. By the end of the first year magiging maliwanag in the sense na tapos na yung OJT ng lahat ng tao. We’ve seen who performs well and who is– will be important to what we are doing,” ayon sa Pangulo.
“So, yes, there’s still going to be… I don’t know about ‘reshuffle’ pero reorganization sa gabinete,” dagdag na wika ng Pangulo.
Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Marcos at hindi rin ito nagbigay ng anumang pagkakakilanlan sa mga personalidad na nasa kanyang listahan na bibigyan niya ng government post.
Nakasaad sa Section 94 ng Local Government Code na “Appointment of Elective and Appointive Local Officials; Candidates Who Lost in an Election. – (a) No elective or appointive local official shall be eligible for appointment or designation in any capacity to any public office or position during his tenure.”
“Unless otherwise allowed by law or by the primary functions of his position, no elective or appointive local official shall hold any other office or employment in the government or any subdivision, agency or instrumentality thereof, including government-owned or controlled corporations or their subsidiaries,” dagdag nito. (Daris Jose)
-
BTS sa Kongreso
Nagsanib puwersa sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at anim na kaalyadong mambabatas nito para magbuo ng grupo o bloc sa kamara na tinawag nilang “BTS sa Kongreso,” base sa isang sikat na South Korean boyband. Isang media event ang ginanap kahapon January 14, Huwebes sa Quezon City para sa paglulunsad ng naturang grupo […]
-
Nag-viral ang kanilang ‘cake’ dance video: MARIAN, natupad agad ang wish na maka-collab si DINGDONG
NATULOY na nga ang inaabangang collab nina Kapuso Primetime Queen at kaniyang asawa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa paghataw sa TikTok dance video na kinagigiliwan ng mga netizen. Ito nga ang naging pasabog ng mag-asawa sa kanilang first day shooting para sa ‘Rewind’ na kasama sa 2023 MMFF. […]
-
LTO-NCR bukas kahit Sabado
BUKAS ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) tulad ng kanilang district at extension offices kasama na rin ang licensing kahit Sabado simula noong August 31. “The weekend operations aim to accommodate the public who are unable to transact business on weekdays due to work and school commitments” ayon sa LTO. […]