• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UK, gusto ang mas maraming Filipino nurse — PBBM

SINABI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na  hiniritan siya ng  United Kingdom (UK) kung saan ay tinanong siya kung  makapagpapadala ang Pilipinas ng mas maraming health workers doon.

 

 

Tinukoy  ng UK ang mahalagang naging ambag ng mga health workers laban sa Covid-19.

 

 

Sa naging panayam kay Pangulong Marcos sa sidelines ng 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi na bago ang “request”  sa kanya ni British Prime Minister Rishi Sunak,  dahil ganito rin ang apela ng ibang world leader  na kanyang nakapupulong.

 

 

“Nagpapasalamat siya sa magandang trabaho ng mga Pilipino’t Pilipina doon sa NHS (National Health Service) noong pandemic at kung puwede ba nating dagdagan. Laging may kasunod na ganyan,” ayon sa Pangulo.

 

 

“This is the same thing that comes up every time I meet with leaders,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, tinalakay din ng Pangulo ang politika kay PM Sunak.

 

 

“I was commenting that, at least, with his election as leader and now Prime Minister, well magkaroon ng kaunting stability in the UK because medyo magulo, eh ,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Nabanggit ng Pangulo na minsan ng naging biktima ang Pilipinas ng sarili nitong tagumpay, tinukoy ang pangingibang-bansa ng mga filipino nurses at doctors  upang maghanap ng mas maayos na job opportunity sa ibang bansa.

 

 

Samantala,  sinabi ng Pangulo na baka bumalik siya ng  UK  para sa isang “proper visit” dahil na rin sa naging maiksi lamang ang pag-uusap sa kanyang  kamakailan lamang na pagbisita roon.

 

 

Partikular na tinukoy ng Pangulo ang pakikipagpulong nito sa mga opisyal  ng  Global Infrastructure Partners (GIP), kompanyang nasa likod ng “Gatwick Airport’s exceptional infrastructure, technology, and operations.”

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos na iniulat ng kinatawan ng British Trade  kay  Prime Minister Sunak ang  panukala ng  GIP,  hindi naman  isiniwalat ni Pangulong Marcos kung ano ang nasabing panukala.

 

 

“Sabi niya (Trade representative), ‘Sana matuloy natin , let’s talk about it. And we won’t be able to do it now because we had maybe seven minutes, six minutes,'”  ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“‘We can’t do it now, but we’ll do a proper trip for you to come to the UK, and we’ll talk about it soon,’ That’s where we ended,” aniya pa rin.

 

 

Bago pa lumipad patungong  Indonesia, ang Pangulo ay nasa UK para sa koronasyon ni  King Charles III.

 

 

Bago pa ito ay nanggaling na ang Pangulo sa kanyang four-day official visit sa Washington, DC. (Daris Jose)

Other News
  • Parang ‘tita’ raw ni Maja na mas looking young and fresh: SOFIA, nagiging ‘plastic doll’ at nagmukha pang matanda

    PINAGDISKITAHAN ng mga mapanuring netizens sa look ni Sofia Andres na base sa mga larawan na pinost sa kanyang Instagram, ganun din sa account ni Maja Salvador.     Makikita nagpa-picture kay George Clooney at ibang Hollwood celebs, na kuha sa Swizerland na kung ginanap ang Omega Crans Montana golf competition.     Komento nila, […]

  • Pagdinig ng Quad Comm magpapatuloy kahit naka-recess ang Kongreso – Abante

    MAGSASAGAWA ng pagdinig ang quad committee ng Kamara de Representantes kahit na naka-recess ang sesyon ng Kongreso upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kongresista na masusing mapag-aralan ang magkakaugnay na isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ilegal na droga, money laundering, at mga extrajudicial killings (EJKs) noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.   […]

  • DOTr: Mamadaliin ang pamimigay ng P2.5 B fuel subsidy sa mga tricycle drivers

    NANGAKO  ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista na sa lalong panahon ay maibigay ang P2.5 billion na fuel subsidy sa mga libo-libong tricycle drivers sa buong bansa.     Naganap ang pangako matapos ang matinding pagpapalitan ng debate sa nakaraang confirmation ni DOTr Secretary Bautista sa Commission on Appointments (CA). […]