• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P150 umento sa sahod, aprub na ng Senado

PASADO na sa Senado ang panukalang P150 across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

 

 

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may akda ng Senate Bill No. 2022 o ang Across-the-board Wage Increase Act, ang nasabing panukala ay approved in principle at nakatakdang pag-usapan ng Technical Working Group (TWG) ang panukalang graduated wage increase scheme para sa MSMEs.

 

 

Inaasahan naman na ilalabas ang committee report nito sa loob ng dalawang linggo at maipapasa ang panukala bago mag-adjourn ang Kongreso sa Hunyo.

 

 

Paliwanag ni Zubiri na ang huling legislated minimun wage increase ay noon pang 1989 sa halagang P89 bago pa maipasa ang Republic Act 6727 na nagtatatag sa Regional Wage Boards.

 

 

Sa pagdinig pa ng komite, sinabi ng Senate presidente na kakayanin naman ng pinakamalaking korporasyon sa bansa na magbigay ng umento partikular ng P150 dagdag sa arawan na minimum wage o P3,000 kada buwan.

 

 

Napapanahon na an­yang itaas ang minimum wage at gawan ito ng batas dahil mula ng maitatag ang Regional Wage Boards noong 1989 ay 500% lang ang itinaas ng minimum wage sa 17 rehiyon at marami ring employers ang hindi nagbibigay ng tamang sweldo sa takdang panahon gayundin ng 13th month pay. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di naiwasang hingan ng opinyon sa ‘Eat Bulaga’: KIM, naniniwalang kahit saan mapunta ang TVJ ay susuportahan pa rin

    HINDI naiwasang hingan si Kim Chiu ng opinyon tungkol sa mga nagaganap ngayon sa ‘Eat Bulaga’ bilang isa si Kim sa main hosts ng katapat na ‘It’s Showtime’.       “Change is nandiyan na talaga yan, e. Parang hindi naman natin mababago yan. And ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really […]

  • Ads February 17, 2020

  • 2 lalaki kalaboso sa baril sa Caloocan

    BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.                 Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS-9) sa Malapitan Road, Brgy. 171, Bagumbong nang parahin nila ang isang lalaki na sakay […]