• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

South China Sea, hindi dapat na maging ‘nexus for armed conflict’- PBBM

GINAMIT ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang pagdalo nito sa 42nd ASEAN Summit para muling ipanawagan ang maagang konklusyon ng Code of Conduct  (COC) sa South China Sea.

 

 

Sinabi ng Pangulo na hindi dapat maging “nexus”  ang rehiyon para sa armed conflict.

 

 

Sa  42nd ASEAN Summit Retreat Session,  ipinahayag ng Pangulo ang kanyang  commitment sa  pagpapatupad ng  Declaration of the Conduct of Parties sa South China Sea (DOC).

 

 

“We will continue to urge all to abide by the 1982 UNCLOS, as ‘the constitution of the oceans.’ We must ensure that the South China Sea does not become a nexus for armed conflict,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“We must avoid the ascendance of might and the aggressive revision of the international order. In an increasingly volatile world, we require constraints on power contained by the force of the rule of law,” ang pahayag ng Chief Executive.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo, ang rules-based regional architecture  ay dapat na  underpinned ng sentralidad ng regional bloc tungo sa  inclusive engagement sa  Indo-Pacific region.

 

 

Kailangan lamang aniya na matatag ang Pilipinas na panindigan ang karapatan nito sa ilalim ng  United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)  sa kabila ng patuloy na pagtatangka na tanggihan ang sovereign rights  ng bansa sa rehiyon.

 

 

Samantala, muli namang inulit ng Punong Ehekutibo ang kanyang panawagan na agarang pagpapatigil sa karahasan sa  Myanmar.

 

 

Sinabi nito na dapat lamang na ipatupad ang Five-Point Consensus.

 

 

“We continue to call on Myanmar to abide by and implement the Five-Point Consensus, and for our external partners to complement ASEAN’s efforts in the context of the Five-Point Consensus,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Nag-aalala rin ang Pangulo sa tensyon sa Korean Peninsula, tinukoy nito ang pangangailangan na “to abide by prevailing UN Security Council Resolutions and to engage in dialogue with concerned parties towards the denuclearization of the Korean Peninsula.”

 

 

Pagdating sa nagpapatuloy na hostility sa pagitan ng Russia at Ukraine, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga nababahalang bansa na maghanap ng  peaceful resolution sa nasabing labanan. (Daris Jose)

Other News
  • Gilas Pilipinas pamatayang 3 sentro – Fajardo

    MAGIGING astig ang gitna ng Gilas Pilipinas para sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga iho-host ng bansa sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas,  Japan at Indonesia.     Ito ang nakikita ni veteran internationalist June Mar Fajardo dahil sa trio center ng national men’s basketball team para sa quadrennial […]

  • After ng concerts sa Australia at sa Las Vegas: SHARON, inaasahang magsisimula nang mag-taping ng TV series na ‘Concepcion’

    NANINIWALA si Kych Minemoto na pwede siyang magkagusto to an elder woman, tulad ng karakter na ginagampanan niya sa Viva movie na ‘May, December, January.’   Sa pelikulang dinirek ni Mac Alejandre, magkakagusto si Kych sa character being played by Andrea del Rosario, na nanay ng best friend niya played by Gold Azeron.   “Iba […]

  • After seven years, nagbabalik sa first solo tour: BEYONCE KNOWLES, tinatantiya na kikita ng higit sa $2 billion

    HINAHANGAAN ni Glaiza De Castro ang kanyang kaibigang si Angelica Panganiban sa pagiging totoo nito.     Kahit daw mataray ang tingin ng ibang tao, ‘yun daw ang pagiging totoong tao nito.     “Kaya rin kami naging friends ni Angelica dahil nakita ko sa kanya ‘yung sincerity, na kung ano ‘yung nasa isip niya […]