Para tulungan ang nano trade of vendors, vulcanizers: PBBM, nagpasaklolo sa ASEAN
- Published on May 12, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga lider ng komersiyo sa rehiyon na suportahan ang mga nano business gaya ng “dispatch riders, repairers, market men and women” at iba pa sa kahalintulad na kalakalan.
Sa naging interbensyon ng Pangulo sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga kinatawan ng Association of Southeast Asian Nations-Business Advisory Council (ASEAN-BAC), sinabi ni Pangulong Marcos na ang nano businesses, isang informal at nananatiling hindi pa nakikilalang business category, ay nakaaapekto na sa buhay ng mga tao sa rehiyon subalit binabalewala lamang.
“These nano businesses are also described as ‘solopreneurs’ and they are home-based businesses, among whom are make-up artists, vulcanizers, independent dispatch riders, vendors, repairers, and market women and men in the various open markets,” ayon kay Pangulong Marcos.
“They play a very important but often unrecognized role all across our countries. But by classification, they often do not meet the MSME (micro, small and medium enterprise) micro-business criteria, which is the category for the smallest businesses. They are largely unaccounted for, but these informal business settings constitute a large portion of all our economies,” dagdag na pahayag nito.
Dahil dito, umapela ang ibang member states na huwag kalimutan ang Nano businesses, dahil kaya nitong tumayo at mabuhay gaya ng “micro, small, or midsize businesses.”
Sinabi ng Pangulo na sa pagtulong sa informal business enterprise, makapag-aambag ang mga ito sa overall economic growth at pakitidin ang development gap ng rehiyon.
Sa kabilang dako, suportado naman ni ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) Chair Mohammad Arsjad Rasjid Prabu Mangkuningrat ang panawagan ni Pangulong Marcos na kilalanin at suportahan ang nano businesses. Siya ang Chairman ng Indonesian Chamber of Commerce and Industry (KADIN).
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na iprayoridad ng regional body na tiyakin ang food self-sufficiency at seguridad sa rehiyon upang matamo ang overall human security.
Winika ng Pangulo na maaaring siguraduhin ng ASEAN member states ang food security sa pamamagitan ng pag-adopt sa bagong teknolohiya at maging sa pamamagitan ng paggamit ng smart agriculture at food systems.
“As such, the Philippines supports ABAC’s proposal on strengthening food security, promoting sustainable production, enhancing information systems, and identifying nutrition-enhancing agriculture mechanisms for sustainable ASEAN food systems,” ayon kay Pangulong Marcos.
“I would like to reiterate the commitment of the Philippine Government to work with the private sector to advance ASEAN’s goals and objectives,” dagdag na wika nito.
Samantala, isinatinig naman ni Pangulong Marcos ang panawagan ngASEAN-BAC para sa ASEAN na pangunahan ang papel sa paghubog sa regional at global economy sa pamamagitan ng pagpapanatili sa “united, together, and stronger” para madetermina ang economic agenda nito ngayon at sa hinaharap. (Daris Jose)
-
Sobrang na-touch si Manay Lolit: KRIS, ‘di nakalimutang mag-send ng gift kahit na may matinding sakit
SA Instagram account ni Manay Lolit Solis binanggit niya na nakaramdam daw siya ng sobrang kaba nang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ng kapwa niya talent manager na si Leo Dominguez. Ayon kay Manay Lolit na may karamdaman din sa ngayon ay hindi pa rin daw siya maka-get over sa pagkamatay […]
-
Economic adviser ni ex-PRRD pahaharapin sa P3-B shabu probe ng Kamara
PAHAHARAPIN ng House Committee on Dangerous Drugs sa susunod nitong pagdinig kaugnay ng P3 billion halaga ng shabu na nakumpiska ng otoridad sa Pampanga si Michael Yang, na naging presidential economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo. Ayon sa chairperson ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lumalabas sa imbestigasyon […]
-
Matindi ang pinagdaanan nang madagdagan ang timbang: ALFRED, umamin na bumaba talaga ang self-esteem at nag-iba ang buhay
BILANG isang mahusay na aktres, meron pa bang role o papel na nais gampanan si Glydel Mercado na hindi pa niya nagagawa sa buong showbiz career niya? “Actually yes, siguro yung pagkakaroon ng Schizophrenia! “Gusto ko yung magagawa ko yung iba’t-ibang kinds of roles, na magagawa mo kasi puwede mong i-detach […]