• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela, DA pinangunahan ang pagbubukas ng AMVA Kadiwa Store

PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian at ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Assistant Secretary Christine Evangelista ang Kadiwa Store ng Alyansa ng mga Mamamayan ng Valenzuela (AMVA) Multipurpose Cooperative sa Barangay Ugong.

 

 

Ang Kadiwa Store ng AMVA Multipurpose Cooperative ay nabuo sa pamamagitan ng PhP 1,000,000 financial grant na ibinigay ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita program. Ito ay naglalayong magbigay ng puhunan sa iba’t-ibang mga organisasyon gaya ng Non-Government Organizations, Kooperatiba, Asosasyon, Korporasyon, People’s Organization, o mga Homeowners’ Association na kayang magpanatili ng isang Kadiwa Store. Ang nasabing financial grant ay naglalayong magamit sa pagpapatayo ng mga Kadiwa Stores sa mga strategic na lugar, pagbili ng mga marketing equipment, at magsilbing paunang puhunan para sa nasabing tindahan.

 

 

Ang Kadiwa ni Ani at Kita program ay isang direct marketing program ng DA kung saan ang mga producers ay direktang mabibilhan ng publiko, na siyang magbibigay daan para maging mas mura ang mga pagkain at iba pang mga bilihin para sa publiko.

 

 

Ang AMVA ay isa sa iilang mga organisasyon sa lungsod na maswerteng nabigyan ng PhP 1,000,000 financial grant ng DA. ito ay naibigay noong Marso 13, 2023, higit-kumulang dalawang buwan para maitayo ang Kadiwa Store. Ang Kadiwa Store ay nagbebenta ng iba’t-ibang mga bilihin tulad ng mga gulay at gamit pang-kusina sa mas murang presyo. Ang mga miyembro ng AMVA ay makakakuha rin ng diskwento sa tindahan.

 

 

Sa tagumpay ng unang Kadiwa Store sa lungsod, ay patuloy na hinihimok ng Pamahalaang Lungsod at ng DA ang iba’t-ibang mga organisasyon sa lungsod na mag-apply sa Kadiwa program para sa patuloy na pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pamilyang Valenzuelano.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ng Kadiwa Store ay sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilor Niña Lopez, Housing and Resettlement Head Ms. Elenita Reyes, Local Economic Development and Investments Promotions Office Head Ms. Annaliza Vitug, Public Employment Services Office and Cooperative Development Office Head Ms. Josephine Osea, at Punong Barangay Ed Nazar at Konseho. (Richard Mesa)

Other News
  • Marcos, inilatag ang mga prayoridad para sa 2023 national budget

    INATASAN ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si incoming Department of Budget and Management (DBM) secretary Amenah Pangandaman na tiyakin na ang kanyang priority sectors ay makakakuha ng suporta mula sa 2023 national expenditure program.     Sinabi ni Pangandaman, sa isang kalatas na bilang karagdagan sa economic reconstruction target ni Marcos Jr., nais ng […]

  • PBBM, gustong muling buksan ang kasong estate tax laban sa pamilya Marcos

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling buksan  ang kaso kaugnay sa sinisingil na estate tax sa pamilya Marcos na noong 1991 ay nagkakahalaga ng mahigit P23 bilyong piso.        “Open the case and let us argue with it. So that all of the things that we should have been able to say […]

  • COVID-19 cases sa Pinas posibleng bumaba pa sa 2,000 daily– OCTA

    Tinatayang bababa pa sa 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases kada araw sa Pilipinas sa katapusan ng buwan ng Nobyembre.     Ayon kay OCTA Research group fellow Dr. Guido David, ito ay kung magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 infections sa buong bansa.     Umaasa si Dr. David na kung […]