• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Housing unit, ipinagkaloob ng Valenzuela sa isang PWD Family

MISYON ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na magbigay ng inklusibong serbisyo para sa lahat, kaya naman pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipag-ugnayan ng City Social Service and Development Office (CSWDO) at Housing and Resettlement Office (HRO) ang pagbibigay ng isang fully-furnished na housing unit sa isang PWD family sa Disiplina Village, Brgy. Ugong.

 

 

Ang benepisyaryo ay isang PWD family na kinabibilangan nina Mr. Jonady Zapanta, 42, kanyang kapatid na si Ms. Nelly Zapanta, 32, may sakit na Tetra-Amelia Syndrome, at ang kanilang pamangkin na si Ms. Marie Zapanta, 19, na may hydrocephalus. Ang pamilya ay kliyente na ng Pamahalaang Lungsod mula 2011 kung kailan nagsimula ang kanilang paghingi ng tulong pinansyal para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

 

 

Si Mr. Zapanta, bilang pinuno ng kanilang pamilya ay hindi napigilan ng kanyang sariling kapansanan at patuloy na nagsumikap bilang isang beautician sa Barangay Dalandanan para suportahan ang kanilang pamilya kung saan ang kinikita niyang PhP 4,000 kada buwan ay hindi sapat para sa pangangailangan ng pamilya.

 

 

Noong 2016, namagitan na ang CSWDO sa pamamagitan ng pagbibigay ng pang araw-araw na supply ng diapers at gatas. Nagbigay rin ng serbisyo si Ms. Amelia Gatuz , isang homecare volunteer, sa pamamagitan ng pagtulong sa pangangalaga kay Marie.

 

 

Dahil sa hirap ng sitwasyon ng pamilya ay inirekomenda sila ng CSWDO na mabigyan ng tuloy-tuloy at maayos na tulong, kaya naman binigyan sila ng Pamahalaang Lungsod ng isang housing unit sa Disiplina Village na naglalaman ng mga kagamitan para sa mga pangangailangan ng pamilya nanaglalayon magbigay ng mas komportableng matutuluyan para sa kanila.

 

 

Isa lamang ito sa mga darating pang programa ng lokal na pamahalaan na makakapagpagaan sa pamumuhay ng Pamilyang Valenzuelano.

 

 

Dumalo rin sa pagbibigay ng housing unit sina Councilor Niña Lopez, CSWDO head Ms. Dorothy Evangelista, HRO head Ms. Elenita Reyes, Ugong Punong Barangay Ed Nazar at Konseho. (Richard Mesa)

Other News
  • SSS nagpaalala sa deadline ng pagbabayad ng contribution sa NCR Plus areas

    Nagpaalala ang Social Security System (SSS) ang mga employer na hanggang Abril 30 na lamang ang deadline ng remittances ng February contributions ng kanilang empleyado.     Sinabi ni Aurora Ignacio ang SSS president and chief executive, ang mga deadline ay para lamang mga employer na nasa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite na […]

  • Ads December 6, 2021

  • Libreng pera padala para sa OFWs, inilunsad

    INILUNSAD  nitong Linggo ang pagsasanib ng Sendwave at GCash na bagong “fee-free money transfer apps” o “libreng pera padala” na layong  matulungan ang mga overseas Filipino workers at ang kanilang mga mahal sa buhay na pakinabangang mabuti ang ipinadadalang mga remittance.     Ayon kay Dan Santos, Sendwave Growth Manager sa Pilipinas, nakipagtambalan na sila […]