• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sumasayaw noon pero parang ‘di na bagay ngayon: ALLEN, nahahatak na lang gawin dahil sa nagti-Tiktok

KARAGDAGANG karakter si Allen Dizon sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ at dahil nga sa patuloy na mataas na rating ng programa, sigurado na ang kanilang extension.

Hanggang kailan ba mae-extend ang kanilang serye?

 

“Well, actually malalaman namin this month kung… pero ang sinasabi nila, ang sinabi nilang extension dati  hanggang July.

 

“So, ngayon parang another extension na naman.”

 

Magkakaroon ng kaugnayan ang karakter niya bilang si Dr. Carlos Benitez sa karakter ni Lyneth Santos na ginagampanan naman ni Carmina Villarroel.

 

Handa ba siyang pagselosan ng mister ni Carmina na si Zoren Legaspi, biro namin kay Allen.

 

Tumawa muna si Allen bago sumagot…

 

“Si Carmina nag-partner na kami sa Doble Kara,” pagtukoy ni Allen sa 2015 TV series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Julia Montes.

 

Ano ang pakiramdam na kahit hindi siya kasali sa original cast ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ay bahagi siya ngayon ng top-rating at palaging nagba-viral na serye ng GMA?

 

“Blessing pa rin sa akin kasi di ba, the mere fact na kinuha ka ng pinakamataas na rating and pinakamagandang show ngayon, nakikita ko, parang blessing pa rin kahit hindi ako kasama sa simula.

 

“Baka kasama ka nga sa simula tapos pinatay ka naman so okay na yung dumating ka ng medyo late tapos hanggang dulo ka, di ba?”

 

Ang karakter ni Allen ang ama ni Zoey na ginagampanan naman ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi.

 

Bago ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’, na pinagbibidahan ni Jillian Ward bilang Dra. Analyn Tanyag, ay naging bahagi si Allen ng GMA series na ‘Return To Paradise’ nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva nitong nakaraang taon.

 

Kilalang film actor, ano ang fulfillment ni Allen kapag gumagawa ng soap opera?

 

“Siyempre maraming iba’t-ibang character, iba -ibang role and let’s face it mas malaki ang kita sa TV dahil  regular siya.

 

“Iyon ang fulfillment ng mga artista , may regular na trabaho.

 

“At mas malakas ang recal mo s aaudience, yung familiarity ng mga tao kasi nakikita ka sa TV almost everyday.”

 

Lalo pa nga at sikat na sikat ang show nila.

 

“Kahit saan ka pumunta ngayon may nagpapa-picture  sa ‘yo, tinatawag ka sa pangalan mo na Doc Carlos.”

 

Sa social media ay maraming komento na ang guwapo raw ng tatay ni Zoey.

 

Ano ang masasabi ni Allen tungkol dito?

 

“Siyempre di ba, parang iba rin yung napapansin yung, iyon nga napapansin yung itsura mo, yung dating mo, bagay na maging doktor, yung mga ganun.”

 

Biro naming muli kay Allen, nai-insecure na sa kanya si Richard Yap, ang gumaganap bilang si Dr. RJ Tanyag.

 

“Hindi naman,” at tumawa si Allen.

 

“Actually napakasaya ng grupong Abot Kamay Na Pangarap.

 

“Napakasaya nilang kasama, para kang nasa bahay lang na kuwentuhan lang kayo, sabay-sabay kumain, nagti-Tiktok sila.”

 

Maging siya raw ay napa-Tiktok na rin sa grupo.

 

“Sumasama ako minsan-minsan, hinihila ako ni Zoey.”

 

Napasayaw rin siya?

 

“Sayaw na kung anu-ano lang,” at muling tumawa si Allen. “Hindi naman ako sumasayaw. Anak ko nga, lahat sila nagti-Tiktok ako ano lang… sumasayaw naman talaga ako, di ba, those were the days, yung sa Viva Hot Men, pero ngayon parang hindi na bagay.”

 

Samantala, co-owner at kasosyo na si Allen ng Wing Commander restaurant at wala naman raw conflict kung nagmamay-ari rin si Allen ng Gerry’s Grill sa NLEX.

 

Bakit puro negosyong may kinalaman sa pagkain ang mga investment ni Allen?

 

“Siguro iyon yung kailangan ng tao e, basic need ng tao, tapos mahilig ako sa mga pagkain din.

 

“And alam ko na, para sa akin kasi  kung ibang mga negosyo naman like for example yung hindi mo kabisado, e naumpisahan ko na, before yung Kenny Rogers, so nakita ko naman na okay yung business na food business.

 

“Lalo na yung mga Kapampangan mahilig sa  pagkain, maarte sa pagkain.

 

“E itong Wing Commander kumbaga masarap yung food nila kaya kahit na hindi ako yung endorser kumakain ako.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas […]

  • BIG-SCREEN SPECTACLE “WONKA,” IS “THE PERFECT CHRISTMAS MOVIE,” SAYS DIRECTOR PAUL KING

    WHEN director Paul King, known for the family-favorite Paddington movies, was a child, one of the first books he read was Charlie and the Chocolate Factory by beloved children’s book author Roald Dahl.  “I loved Charlie and the Chocolate Factory,” says King. “I read it again and again until the pages fell out of the cover. I remember loving the […]

  • Tiktok serye na ’52 Weeks’ wagi sa Hashtag Asia: KYCH at MICHAEL, maghahatid ng kilig sa unang BL series ng Puregold

    PATULOY na nagbabago ang digital na mundo pagdating sa mga pelikula, palabas, at paraan ng video streaming, at patuloy ding sinisikap ng Puregold na manguna sa paglikha ng mga seryeng bago at kakaiba, ngunit papatok at kagigiliwan ng mga manonood dahil lapat sa kanilang mga buhay–ganito ang handog ng retailtainment ng Puregold.     Nitong mga nagdaang […]