Para tugunan ang problema sa kuryente: PBBM, naghahanap ng bagong pagkukuhanan ng power supply
- Published on May 15, 2023
- by @peoplesbalita
NAGHAHANAP ang gobyerno ng bagong pagkukuhanan ng power supply para tugunan ang problema sa enerhiya ng bansa.
Tanggap naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ipinahayag ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na kulang sa suplay ng kuryente ang Pilipinas.
“Tama naman ‘yung assessment na talagang kulang ang kuryente natin eh. So what else can we do? Find new sources. That’s what we’re trying to do. The situation with the renewables is also improving but we may have found some other technologies na hindi mag-antay ng lead time ng six, seven years,” ayon sa Pangulo.
Kaya nga aniya, bukas ang Pilipinas sa anumang klase o uri ng power supply na makatutugon sa problema sa enerhiya.
“So pinag-aaralan naming mabuti. When it comes to power, we’re open to everything. Kahit na ano na puwede nating makuha para makapag-addition sa power supply natin. Siyempre nandiyan pa rin lagi nating iniisip ‘yung kailangan parami na ‘yung renewables, pabawas na ‘yung fossil fuels,” ang wika ng Pangulo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na inaasahan na mamumuhunan sa Pilipinas ang NuScale Power Corp. ng Oregon ng Estados Unidos ng $6.5 billion hanggang $7.5 billion para makapagbigay ng 430MW sa bansa sa 2031 kasunod ng pakikipagpulong kay Pangulong Marcos.
Sa naging pagbisita ng Pangulo sa Amerika, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang suporta ng NuScale ay makatutulong na matugunan ang nasabing problema.
“We need everything. We just have to have everything and this new technology is something,” ani Pangulong Marcos.
Samantala, hinikayat naman ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang Malakanyang at matataas na opisyal ng Department of Energy na tugunan ang “nationwide power crisis.” (Daris Jose)
-
Pag ratipika sa 2023 nat’l budget prayoridad ngayon ng Kamara
KINUMPIRMA ni House Speaker Martin Romualdez na prayoridad ng Kamara na ratipikahan ang P5.268 trillion 2023 national budget ng Marcos administration at ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng 16 hanggang 18 sa 30 [initial] na natitirang Legislative-Executive Development Advisory (LEDAC)-priority measures bago mag-Christmas break ang Kongreso simula sa Disyembre 17. Ayon […]
-
4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas drug bust
APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 60-anyos na lolo ang nabitag sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas Cities. Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsagawa […]
-
Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’
Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya. Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”. Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta. Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya […]